Chapter 19

5.1K 179 9
                                    

"Hello?" Finally! Sinagot na rin. Panglimang tawag ko na to. Rinig kong maingay sa kabilang linya. Parang nagkakantahan. Sila na ba yun?

"Hey! Asan na ba kayo?"

"Aah wait, Aish.. hindi ko marinig.. Teka Marla, text na lang sige"

*toot toot toot*

Binaba niya agad? Nakakainis naman ang sabi nila group date? Eh kanina pa ako naghihintay na dumating sila. Hindi man lang nagtext o tumawag para masabi kong ano ba talaga ang eksaktong oras. Pati din si Kenjay hindi nagrereply. Isang sasakyan lang daw ang gagamitin, may hindi ba ako naintindihan sa napag usapan noong isang araw?

Ang sabi hintayin ko sila dito tapos hanggang ngayon wala pa rin. Nakakawalang gana na ha. Pabalik na sana ako sa loob ng bahay, nasa labas na kasi ako, saka bigla namang tumunog ang cellphone ko.. Binuksan ko.. Isang text mula kay Breena.

From: Breena

'Sissy we're on our way to the place, pasensiya na hindi ko agad naipaalam sainyo [sainyo? Sino pang naiwan] btw 6 kaming nandito, [dapat ten kami ibig sabihin may dalawa pang hindi kasama] actually puno na kasi that's why we think sabay na lang kayo ni Earl, sumunod kayo ha? Kapag hindi magtatampo ako. Alam na rin ni Earl so puntahan mo na lang siya. Okey ingat.

"Aish.. bakit naman hindi agad nila sinabi?" Pabulong na sabi ko. Nakakainis naman. Hindi na lang kaya ako pumunta? Pero magtatampo siya. Atsaka ang sabi sa text kasama ko si Earl.

Totoo? Si Earl ang kasama ko? Gusto kong kiligin pero iniisip ko pa lang na magkakasama kami, asahan ko na magiging awkward ako mamaya. Huhu. Bakit nga ba kasi nila ako napaamin? Waaah! Ano kaya kung wag na lang? Pero nga kasi ayuko namang magtampo si Breena. Ano na gagawin ko?

Para na akong tanga dito pabalik balik ng lakad sa may garden ni Mama. Ano pupuntahan ko na ba si Earl?

Magpalusot na lang kaya ako kay Breena. Kung sabihin ko kayang bigla na lang sumakit yung pakiramdam ko.

Pero gusto ko talaga makasama eh. Hindi pa man din ako nakapunta doon. Help me..

*ding dong* Napalingon ako sa gate.

*ding dong*

*ding dong*

*ding dong*

"SANDALIII!" Kainis naman to oh, ano akala niya sa door bell namin laruan? Hindi makapaghantay masyadong atat.

"BAKIT! bahh.. oh Earl?" Biglang humina yung boses ko ng makita kung sino ang naglalaro sa door bell ay este ang tao pala. Kung kanina naiinis ako, bakit ngayon feeling ko may karapatan na akong magcelebrate ng Valentines?

Ayy tange! Group nga pala. So meaning hindi mo siya solo Marla!

"Let's go." Yun lang at nagsimula na siyang maglakad paalis.

"Ahm.. Earl wait! Magpapaalam lang ako." Saka nagmadali na munang pumasok.

-

"Ma! I gotta go! Bye Ma." Palabas na sana ulit. Nagmamadali ako.. Baka kasi iiwan na ako ni Earl. Sayang naman yung date.. haha

"Sandali! Sino kasama mo? Akala ko ba susunduin ka dito, wala naman akong narinig na humintong kotse." Habang papunta sa sala na may dalang pop corn na naman. Aigoo, adik na rin si Mama sa pop corn.

"Aah si Earl po. I think commute lang po kami." Wala naman kasing kotse.

"Date niyo ba?" Halatang nakangiti si Mama.

"Aah hindi po Ma. Group date po."

"Group? Eh kayo lang sabi mo ah." Haaay. Magpapaliwanag pa ata ako baka mainip na si Earl.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now