Chapter 43

4K 147 8
                                    

"Marla! Gumising ka na please.. Kanina ka pa diyan nakapikit.."

"Ssssh, Hon.. Tama na yan.."

"Antok ka pa rin ba kaya hanggang ngayon tulog ka pa rin?"

"Breena.. Let her rest muna."

"Idilat mo naman 'yang mata mo oh."

"Hilary.. Halika muna dito, kalma nga lang kayo. Gigising siya okey?"

"Eh pitong oras na kaya siyang nakahiga diyan.. Sabi ng Life guard kanina mga limang oras lang daw makakatulog, bakit hanggang ngayon nakapikit pa rin siya.. Huhu.. Marlaaa!"

"Breena. Huwag ka nga mag-isip ng kung ano-ano diyan.."

"Eh! Buwesit ka pala eh! Dapat ikaw na lang nasa kalagayan ni Marla! Ikaw ang masama dito hindi siya!"

"Bakit ba, parang ako ang sinisisi mo? Bakit pati ako dinadamay mo ha?"

"Jick, Breena, tama na 'yan.. Think positive lang ha. Dito pa kayo mag-aaway eh!"

Nagsitahimik sila.

I heared someone's sobbing. Mukhang nag-aaway-away. Mga nagsasalita at pakiramdam ko lahat sila nakatingin sakin.

Mabigat ang pakiramdam ko na parang pagod na pagod. Ano bang nangyari?

Oh sh*t! Naalala ko ang nangyari kanina bago ko naramdaman ang panghihina ng katawan ko at ang pagdilim nang buong paligid. Nalulunod ako kanina.

Diyos ko! Natuluyan na po ba akong napahamak at namatay?

Pero bakit nararamdaman ko ang sakit ng katawan ko? Naririnig ko rin ang mga nasa paligid ko.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Pati talukap ng mata ko mabigat din. 'Yung parang galing sa iyak? Mahapdi na parang nilagyan ng asin.

"Thank's God! You're awake!"

"Marla! How are you?"

"Bebe, Alam mo bang pinag-alala mo kami. Ano ba talagang nangyari?"

"Okey ka na ba?"

Sunod-sunod na tanong nila. Mga mukha nang nag-aalala, ang makikita sa kanila ngayon. Napansin ko ring si Earl lang ang wala dito. Alam niya kayang nangyari 'to sakin?

"Ah... Eh... K-kasi, hindi ko alam na.. I'm sorry pinag-alala ko kayo." Yumuko ako. Yung pakiramdam na pinag alala mo sila dahil sa sariling katigasan ng ulo. Naiyak ako.. Pangalawang beses na 'tong nangyari sakin..

Thank You Lord. For giving me another chance to live. Hindi lang second chance. Kundi third chance na 'to.

Lumapit sila at isa-isang yumakap. Just to make sure na nagising talaga ako at humihinga.

Nagpunas ng luha si Kenjay at Breena. Sila siguro 'yung naririnig ko kaninang umiiyak.

"Bebe ano ba talagang nangyari?"

Tiningnan ko siya. Naiinis ako sa sarili ko ngayon. "Gusto ko sanang pumunta doon sa kabilang beach. Pero hindi ko naman alam na butas pala 'yung bangkang ginamit ko. Napuno ng tubig kaya ayun Lumubog."

"Di ba marunong ka naman lumangoy? Bakit hindi mo sinubukang makaalis doon?"

"I tried. Pero pakiramdam ko merong humihila sakin. Then nagpanic na ako.. Kaya..

T-teka, S-sino pala ang tumulong sakin? Nakilala niyo ba? Nakita niyo?" Baka ang savior ko ulit iyon!

Tumango sila. Kaya napangiti ako.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now