Chapter 24

5.1K 171 8
                                    

"Lalabas na.." Si Kevin na ang sumagot. Saka lumipat sa tabi ko.

"Hindi kita kinakausap. (tingin ng masama kay Kevin) Paimportante ka talaga kahit kelan noh?" 'Nang lumingon siya sakin.

"Bakit ba kasi!?" Jusko! Parang may balak pa siyang awayin si Kevin. Huwag niya namang idamay!

"At talagang kinalimutan mo pa ha?"

"Psh. Ano bang kailangan mo?"

"We have a meeting! Actually we're already late.. again.." Ayy Syet! Oo nga pala! Bakit ba kasi nakalimutan ko.

"Ayy.. Oo nga pala. (Napahawak pa sa ulo) Sorry Kevs ha.. next time na lang.."

"Haaay! Sayang naman. Pwede bang umabsent ka na lang sa meeting tutal naman la--"

"At talagang hihirit ka pa. Hindi pwede. Tara na Marla." Hinila na ako ni Earl. Seryuso? Bakit iritang irita siya at mukha pang badtrip, naku! Oo nga pala badtrip pa 'to kanina ng matapos ang lunch.

"Araaay! Bitawan mo muna ako." Binitawan niya naman ako. Nilingon ko ulit si Kevin na parang binagsakan na ng langit at lupa ang mukha.

"Hey! Kevs! Thanks nga pala dito! (Inangat ko 'yung bulaklak, na ewan kung panu ko pa nadala, may hawak pa akong libro na ibibigay sana kay Ade, kailangan niya daw kasi) Basta promise! Next time!" Ngumiti naman siya, kumaway pa ako habang naglalakad na ako paatras.

"Tsk!"

"Ayy sorry! Nandiyan ka kasi eh! Kala ko nauna ka na." Salubong na salubong na ang kilay niya. Laki ng problema nito sakin ah! Naapakan lang eh!

"Oh ayan! Kaladkarin mo na!" Nakalahad na ang kamay ko sa kanya. Oh Earl! Continue na dali.

Hindi niya 'yon pinansin inikutan niya lang ako ng mata. Saka iniwang nakatayo, sumunod na lang din ako sa kanya. Di bale! Hinawakan niya na rin naman 'to kanina.

AGAIN, late na naman kami sa meeting. Medyo marami ang estudyante sa loob ng Office. Bawat year na ngayon, hindi kagaya 'nung last meeting lahat lang kami mga graduating na galing sa iba't ibang department.

Magkakaroon daw ng Intramurals. Ganito naman dito eh, February na kung ganapin. Next week na daw iyon. Hindi ako masyadong nakinig sa usapan kasi wala naman akong balak na sumali, siguro nga hindi na lang ako pupunta, kung pwede nga lang kaso paniguradong hindi kami pwedeng mawala. Tsss. Ito ang mahirap eh I'm not free pagdating ng Intrams.

NATAPOS din agad ang meeting, isa isa ng tumayo. Pati si Earl nakisabay rin. Palabas na'ko sa office, naalala ko naman na may pakay nga pala ako kay Jick. Yung about kay Precious Chua. Sinigurado ko munang wala nang ibang tao sa labas. 5:30 na, mangilan ngilan na lang din ang nakikita kong tao sa labas na naglalakad.

Ito na ang tamang panahon eh! I must know the real story!

"Jick.." tawag ko sa kanya. Busy kasi sa pag ayos ng mga papel na ewan ko ba kung ano ang mga 'yun.

"Oh Marla? Tapos na ang meeting ah. OT ka ba?" Biro niya pa with pangiti ngiti..

"Hindi naman.. uhmm. Kasi.. 'aish panu ba kasi simulan..." Ang hirap pala magtanong eh.. Tsk!

"Kung tungkol 'yan kay Earl, sige okey lang.. ano ba 'yun?"

"Actually.. May kinalaman nga kay Earl.."

"Okey, sige game ako diyan" Saka hinila ang isang upuan paharap sakin at naupo.

"Uhmm.. Naalala ko kasi minsan na may binanggit ka tungkol sa first love ni Earl.."

"Hmm. Oo. Sa canteen 'yun diba? Last week, I guess."

"Yeah. She's Precious Chua, right?"

"K-kilala mo si Riri? I mean si Precious?"

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon