Chapter 11

5.7K 190 4
                                    

"ATEEE !!" Arrrgh. Nakakaasar ang paggising niya sakin. Boses pang Monster. Psh. Pero hindi ko 'yun pinansin.

"Antok ako ha, wag kang magulo mangangarate ako!" Sabi ko ng halata sa boses ang tinatamad at antok pa nga kasi ako!

"Psh! Ateeeee!" Tumili na siya. Nakakabasag eardrum.

"Okey. Fine!" Bumangon na ako, saka dumilat. Pero ang bigat ng talukap ng mata ko.

"Ate? What happen sa iyong beautiful eyes?"

"Don't mind it. Just go fix yourself and things." Ngayong umaga kasi ang balik namin sa bahay eh.

"Psh. Nakagat ka ba ng ipis? Tell Me? Igaganti kita!" Imbis na mainis natawa pa ako sa sinabi niya. Mana talaga sakin eh. Ang kuliiiiit.

"I'm okey M'm, Bilisan mo na."

"Hayyy. Okey fine. It seems like wala ka namang balak sabihin sakin kung ano ang totoo eh." Ay Ganun?

"Haayy. Okey okey, I'll tell you later. Huwag lang ngayon kasi mahaba ang story."

"Okey" Madali naman pala siyang kausap. Nahalata naman ata na wala ako sa mood.

Saka na ako pumasok sa C.R. I fixed my Things, Nagsuot na lang ako ng salamin para matago ang namamaga kong mata. Pagkatapos lumabas na kami..

--

"Good Morning." Bati ko na parang ang saya pero deep inside mangiyak-ngiyak na naman kasi nakita ko si Earl.

"Marla, bakit hindi ka na lang sumabay kay Earl. Kasama niyo naman si Breena." Waaah. Ano sasabihin ko? Isip ng palusot..

"No Tita, it's okey, wala po kasi kaming bonding nila Mama at Papa eh. "Habang nakangiti. Tapos napatingin ako kay Earl. Parang biglang nagflashback 'yung nakita ko kagabi. Hanggang kelan to. Naramdaman kong nagtubig na ang mata ko. Aaah. Wag naman. Ang iyakin ko kase eh.

"I'm sorry baby, it was a busy vacation eh." Sabi ni Mama.

"It's okey Ma."

"So ano? Tara na?" Sabi ni Papa.

Nagpaalam na kami sa kanila at for the last time tumingin ako kay Earl. He's staring at me. Nailang ako kaya diretso akong naupo sa back seat.

Hindi ko alam sa sunod kung kaya ko pa siyang tingnan. Palagi kasi kapag tumitingin ako masakit sa mata ang nakikita ko. At kasabay 'nun ang sakit sa dibdib ko.

Sumandal na lang ako saka pumikit. Antok pa rin ako kaya tulog lang ako sa buong biyahe. (Pano na ang bonding niyong sinasabi mo?) Nevermind.

--

THREE days na mula nang makauwi kami galing sa resort. Lagi lang ako sa kwarto, kung hindi man, sa sala, puro kain-tulog lang at hindi rin ako nagbalak na lumabas.

Gusto ko lang magpahinga. Gusto ko lang din magstay sa bahay. Ewan ko ba nawalan ako ng gana. Dati naman walang araw na nagtatagal ako dito sa bahay. Kaya naman nagtataka na sila Mama.

Nasa kwarto ako ngayon at gaya ng madalas kong gawin. Tumutugtog lang ako ng gitara. Libangan ko na 'yun eh.

*tok tok tok* Napalingon naman ako sa pintuan.

("Anak, gising ka ba?")

"Yes Ma? Open po iyan."

Pumasok naman siya. With a worried face.

"May problema ba anak?"

"Wala naman Ma, Bakit po?"

"Iba kasi ang kinikilos mo simula ng bumalik tayo dito. May nangyari ba sa resort?" Uh-ow masyadong obvious.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now