Chapter 34

4.6K 150 4
                                    

Parang biglang tinambol 'yung dibdib ko habang nakatitig sa cellphone na hawak ko.

"Bakit?"

"S-si.. E-Earl... siya yung tumawag."

"Weh? Di nga!?"

"S-seryuso! Nagtext pa nga.."

"Ano ba text?"

Inopen ko 'yung message.. Saka nakibasa rin si Kenjay.

From: Earl

i have our shirt for the program. Kunin mo dito.

----

"W-what should I do?"

"Tss. Kunin mo daw ah."

"Ayuko.."

"Tsk! Para yun sa'yo.."

"Hindi ko naman alam.. Saan?"

"Ask him! Kaloka! Malay ko diyan. Kunwari pang nag iiwasan.. tss."

"B-baliw! Bebe, kinakabahan ako.."

"Kinakabahan? Duuuuh! Tanungin mo lang! Pahalata ka naman masyado eh."

"S-sige na nga.."

"Tawagan mo na lang.."

"Sigurado ka? Baka di niya sagutin."

"Anong akala mo dun? Sus."

"Eh, may kasama siya ngayon.." yun ang alam ko.

"Ako na nga! Ang daming sinasabi." Inagaw niya 'yung cellphone saka nagpipindot. Tinapat niya sa tenga ko. Dinig ko ang pag ring. Saka may sumagot..

.

.

.

("In my room") *toot toot toot*

*dug dug dug dug*

Namiss ko yung boses niya. Ang galing alam niya agad ang sasabihin. Pero bakit sa room niya.. Oh no... Nakakatakot 'yung boses niya. Huhu..

"Oh ano daw?"

"S-sa.." Ano ba, natatakot ako >_<... Nag-iiwasan nga kami tapos pinapapunta niya doon. Ano na naman to?

"Saan?"

"S-sa kwarto niya.."

"WHAAT!?" Uwaaah! Tanggal dito earwax eh! Makasigaw naman.

"Y-yun ang sabi niya.. Bebe.. anong gagawin ko?"

"Mamma mia! Anong nasa isip ng mokong na 'yun?"

"Hindi ko alam. Hindi na lang ako pupunta.." ang arte eh! Bakit hindi niya na lang ipahatid sa bahay? O ipaabot na lang sakin? Kailangan ba talagang sa kwarto niya pa kunin? My Ghad! Juice colored!

*Bzzzt bzzzzt* phone ni Bebe.

"Hello?, oh Earl, aah okey.." Binaba niya na.

"Oh safe ka daw pumunta doon. Ayan na ha, tumawag pa sakin." Langya! Ito na nakaopen din ang phone ko, bat kay Kenjay pa tumawag?. Saka bakit alam niyang kasama ko si Kenjay? Tss.

"Ayuko!"

"Tsss! Babawiin ko yang nilebre ko sa'yo! Ano?" Ano ba 'to? Kampanteng kampante siya kay Earl! Hindi man lang ako inalala.

"Eh kasi naman.."

"Oh mamili ka, kukunin mo o babawiin ko yan.." Saka tingin sa hawak kong plastic na may kung ano-anong laman..

"Ah. S-sige na nga.." wala eh.. ayukong isuko ang mga pinakamamahal ko >_<

"Ohh ayan na, dito ka na sa tapat ng bahay nila bumaba." Binuksan ko na ang pinto ng kotse. Syet! Nangangatog ang binti ko.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now