Chapter 22

4.7K 182 6
                                    

BUMALIK na kami sa kwarto ni Earl. Si Neneng ang may dala ng plangganitang may maligamgam na tubig at basang pamunas.

Ilalapag sana iyon sa side table. Nang maalala kong doon ko pala ipinatong ang picture. Inunahan ko muna siya makapunta doon saka tarantang inilagay sa bulsa ko ang picture. Bahala na kung magusot iyon.

"Ati, pupunasan mo na ba siya?"

"Aah. Oo, pano ba?"

Sinabi niya naman kung pano.

Natapos ko naman pero medyo nahirapan din ako, First time ko kaya 'to tapos sa crush ko pa?. Buti na lang hindi siya gising kung nagkataon na gising siya ewan ko na lang kung kakayanin kong tapusin ang pagpunas sa kanya. Kinikilig ako, pero hindi dapat ko magpahalata, nandito pa rin kasi si Neneng.

Nagbasa ulit ako ng isang bimpo at ipinatong iyon sa noo ni Earl, yun kasi ang sabi ni Neneng kaya ginawa ko naman.

Nakita kong nagmumulat siya ng mata. Naku lagot! Gising na.

Nakita niya ako, bahagya pa ngang nagulat..

"What are you doing here,?" Mahinang sabi niya pero halata sa boses na galit o inis siya. "Sinong nagsabi sa'yo na pwede kang pumasok dito?" *ubo* Psh. Inuubo na nga't nilalagnat ang suplado pa rin.

"S-sir (nagtaas pa ng kamay), A-ako po ang nagpapasok sa kanya dito. S-saka p----"

"Then who told You!" Malakas na ngayon Tumingin siya kay Neneng ng masama. Napapikit siya sabay hawak sa may sintido at hinilot 'yun. Ayan kasi! Ikaw na nga ginagamot diyan kung magalit. Haaay! Ewan ko sa'yo Earl! Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama niya.

Napayuko na lang si Neneng na parang batang pinagalitan. Kumakabog na rin ng malakas ang dibdib ko, akala niyo ba chelax lang ako dito? Naku! Kulang na nga lang kumaripas na akong tumakbo. Galit talaga si Earl eh. Kung wala ata 'tong sakit malamang na naibalibag na kami.

Bumukas ang pinto at pumasok si Aling Yumi. Thank You po Aling Yumi. Sakto ang dating mukhang pasabog na kasi si Earl. (sabi niya sanay siya sa Manang ang tawag pero ako ang makulit, gusto ko kasi naiiba ang tawag ko..)

"Sir Earl, kumain ka po muna ng sopas, kailangan mo po itong kainin para makainom ka na ng gamot." Nagbuntong hininga na lang siya.

"Salamat po." Bumait agad siya kay Aling Yumi.

"Siya nga po pala kung hindi dahil kay Marla siguro hindi ka agad maaasikaso. Buti na lang pumasok siya dito." Lumipat naman ang tingin niya sakin..

"Oh pano po Sir, lalabas na muna kami." Tumango naman si Earl.

"Sorry po ulit Sir." Hinging paumanhin ni Neneng. Halata naman kasing galit 'to ng pinapasok ako. Sumunod na rin siya kay Aling Yumi.

"P-pasensiya ka na rin. A-aalis na rin ako, sige!"

"Stay here." Waaaaaaaah! Sabi ko na nga ba. Pigil hininga akong lumingon sa kanya.

"B-bakit?" Nauutal pa ako. >_< kanina pa to ah. Ito na.. Sasapakin niya ba ako?

Sisipain?

Ibabato?

Ano?

-

-

-

"Subuan mo ako."

"A-Ano!?" Halos pasigaw kong tanong sa kanya.

"Tsk! Ikaw ang magpakain sakin! Can't you see? I'm sick! At dahil 'to sa'yo." Ako pa ang sinisi ha! Walanghiya. Pero total inaamin ko naman na dahil nga sakin,

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora