Chapter 18

5.7K 173 10
                                    

"Oyy Bebe! Kanina ka pa nakasimangot diyan! Bakit?" Magkasabay kami ngayon papuntang canteen. Sinundo niya ako sa room eh. Wala daw kasi si Hailey.

Ano bang problema nito hindi ako kinikibo. Baka may kasalanan ako dito na hindi ko naman alam. I-Review mo Marla..

Pero wala akong maisip na masamang nagawa ko. Tanungin na lang kaya..

"Oy, Bebe galit ka ba sakin? Ano namang ginawa ko?"

"Minsan talaga ang bobita mo noh, sabi mo mind reader ka tapos ngayon hindi mo mabasang nagtatampo ako? Nagbago ka na talaga." Simangot na naman.

"So nagtatampo ka? Ano namng pinagbago ko ha?" Hindi ko gets. Nagbago ba ako? What do you think kayo readers?

"Psh. Kinakalimutan mo na ako.. Palagi na lang si Ade ang kasama mo!" Aahh yun pala ang issue. Siya din naman ah! Porke okey na sila ni Hailey nakakalimutan niya na rin ako..

"So nagtatampo ka at nagseselos dahil kay Ade?"

"Hindi ba halata?"

"Loka! Ikaw naman ang Bebe ko ha.!"

"Oo nga pero mukhang iba na ngayon. Kayo na lang ang may lakad, balita ko pa ang ganda niya na ngayon at dahil yun sa'yo! Ang dami mo ng ginagawa na hindi mo pinapaalam sakin"

"Aah. Alam ko na.. Naiinggit ka noh? Naiinggit ka kasi siya tinulungan ko magpaganda. Pero ikaw hindi ko man lang naaalok magpaganda kahit minsan. Haha. Tama diba?"

"Hindi noh! Gaga ka talaga.. Anong paganda ka diyan! Para sa chic ba? Hindi na maaari, Kontento na'ko kay Hailey.Wala na akong hihilingin pa." Anong connect non? Ang gulo noh? Ang tinutukoy ko magpaganda as in sa babaeng paraan pero iniba niya pagdating kay Hailey. Iba talaga nagagawa ng love..

"Naaks naman! Oh tapos ngayon ano naman yang arte mo?"

"Wala PMS lang, pero wala na." Leche noh? Ang bading pa rin! Sa harap ko.. Sige lang Kenjay Trinidad habang walang nakakapansin sa'yo. Push mo yan! Paiba iba siya ngayon.

"Psh. Arte mo talaga. Binanggit mo lang si Hailey ang saya mo na naman."

"So ngayon? Wala ka kasing lovelife, Kumusta na nga pala kayo ng Suplado mong crush?" Sige ipamukha mong wala akong lovelife. Waaah! Sa sabado na ang Valentines day. Single pa rin ako >_<. Kumusta nga ba kami ni crush diba improving na kami?

-

"Improving!" Nakangiting sabi ko..

"Improving? Alam mo ba ang meaning nun?"

"Oo naman!!"

"Alam mo hindi ko 'yun makita sainyong dalawa."

"Ewan ko nga sayo lahat na lang kinokontra mo ang sa tingin kong status namin.."

"Hahaha. Seryuso Bebe, status niyo: Improvig. Haha. Pero okey lang.Atleast nakakausap mo na nga siya sabi mo."

"Okey naman pala eh. Oo pero kaunting conversation. Bilis na nga gutom na ko eh."

Sabay hila, sensiya na mahilig talaga ako manghila..

"Teka nga, bakit parang magpupulong sa mesang 'yun, Grupong ano ba yan?"

Parang nga.. Iniscan ko naman isa isa (May ganun talaga eh noh)

At dahil sa malinaw na malinaw ang mata ko pagdating kay Earl, Ayun kilala ko na kung sino ang mga nagpupulong kunu doon.. Si Hailey lang ang wala.

"Gaga Friends natin yan! Ang labo na ng mata mo. Magpasalamin ka na nga!"

"Psh. Palibhasa nakilala mo agad si Earl, Sige ikaw na ang may malinaw na mata, pagdating lang naman kay Earl."

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now