Chapter 33

5K 165 19
                                    

Ang akala ko madali lang kalimutan ang isang tao. Pero ang hirap pala. Limang araw na ang nakalipas simula nang mangyari 'yon. Katulad ng pinakiusap ko sa kanya, hindi ko na siya nakikita at hindi na rin nakakasama sa lakad ng mga kaibigan niya, na kaibigan ko rin.

Iniisip ko tuloy minsan mukhang ang sama ng ginawa ko. Sa paglayo niya nadamay pati ang pagkakaibigan nila. Tinatanong nila ako kung ano daw ang nangyari. Bukod kasi sa hindi na siya nakakasama, ang sabi ni Jick, madalas daw na nasa bar, at mukhang bumabalik daw 'yung dating Earl. Yung hindi kumikibo, suplado saka babaero.

Ang engot naman.. Dapat ako na lang 'yung lumayo diba? Hindi ko naman kasi inisip na pwede mangyari yun. Na sa pag-iwas niya umiiwas na rin siya sa mga kaibigan namin, kasi madalas akong kasama.

Haaaay.. Ano ba yan! Ang gulo naman kasi Marla ng utak mo eh. Ikaw ang may problema, bakit hindi na lang ikaw ang mawala. Bakit nandamay ka pa!

"Arrrgh!" Napahilamos ako sa mukha ko, dahil na rin sa mga iniisip ko, naiinis ako sa sarili ko.

Nakaupo ako mag-isa, hinihintay ang mga kagroupmates ko dito sa may bench. Magpapractice kasi kami, sa bahay naman nila Norlan, nagbakasyon daw kasi kila Mika yung pamilya ng Ate niya, eh hindi ko alam ang papunta sa kanila kaya makikisabay na lang ako. Malapit din ito sa may parking lot..

"Babe, why don't we go to my place.. Mainit ngayon eh.." Malanding boses ng babae na narinig ko. Gosh! Ang landi naman ng babaeng 'to! Mainit? The hell, pero ang panahon ngayon ang lungkot, di niya nakikita? Anytime pa nga pwede nang bumagsak ang ulan eh.

"Sure babe." Parang nanigas ako sa pagkakaupo ko dito. Narinig ko ang boses niya. Imposibleng namali ako ng pandinig. Kilalang-kilala ko siya, kahit boses niya, alam ko. This can't be.. Huwag kang lumingon Marla, No, baka masaktan ka lang sa makikita mo..

Pero kahit anong pangungumbinsing gawin ko sa sarili ko, dahan-dahan pa rin akong lumingon.. Boom!

I saw them kissing..

Isang malaking OUCH.. Parang biglang binomba ang dibdib ko. Nanghina ang tuhod ko. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, inis at awa sa sarili. Bakit kailangan ko yung makita. I'm doing my best naman para makalimutan na siya pero bakit hindi ko pa rin magawa, nasasaktan pa rin ako. Gusto kong tumakbo o lapitan sila para masigurong si Earl nga iyon.. Hindi ako makagalaw. Kitang-kita ko sila at malinaw na malinaw iyon..

They stop kissing at kita ko ang ginawa niya pag ngisi habang nakatingin sakin.. D*mn! Bakit nasasaktan ako ng ganito. He's just my crush, pero bakit ang sakit.. D*mn this feeling.. I hate it! Parang lahat sinasadya ng pagkakataon..

Pinagbuksan niya ng pintuan ang kasama niyang babae. Hindi ko naalis ang tingin ko sa kotse. Hindi pa iyon umalis.. Baka may ginagawa sila. Syet! Ano ba tong iniisip ko.

"Miss leader, tara na po.. Teka? Umiyak po ba kayo? Anong nangyari?" Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Agad ko iyong pinunasan..

"H-hindi.. Na-napuwing lang ako.." Tatayo na sana ako kaso..

"Oh-oh-oh!, Miss leader? Okey ka lang ba talaga?" Nanghihina ang tuhod ko na anytime pwede nang matumba.. Buti na lang nahawakan ako ni Norlan.

"Masama ata ang pakiramdam mo Ms. San Juan.. Huwag ka kaya muna magpractice.. Magpahinga ka na lang.." Sabi ni Norlan.

"Oo nga saka maayos na rin naman yung pinapractice natin eh.. Siguro sa last practice ka na lang." Nakakahiya alam niyo yun. Yung makitang nanghihina yung leader nila dahil sa... Syet!

"Hindi.. okey lang ako."

"Naku, ayan ka na naman eh, sigurado hindi ka naman makakapagpractice niyan.." Tama nga si Norlan, siguradong-sigurado 'yun.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now