Chapter 7

5.8K 211 5
                                    

Pagkatapos na pagkatapos naming makapag ayos, Nagmamadali nang lumabas si M'm.

Siya pa ang excited? Nung 16 pa siya dito ah! Hindi pa ba siya sawa? Haaayy. Mukhang dagat nga naman.

Sumunod na lang ako. Nauuna na siya papunta sa may beach tapos biglang tumigil. Hinawakan niya 'yung tsenelas niya. Natatawa ako habang nakasunod ang tingin sa kanya. Kapag minamalas nga naman. Haha. Naputol ang oh-so-favorite niyang tsenelas. Hahaha.

Napatigil ako ng lihim na pagtawa (Oo meron nung lihim na pagtawa xD). Nang may lumapit na lalaki na sa tingin ko eh kaedad niya.

Aba't may pumoporma ha! Nagmadali akong lumapit sa kanya.

Nagsmile sila sa isa't isa. Hindi man lang napansin na nasa tabi nila ako ha.

"Hoy ikaw sino ka!?" Tanong ko sa matangkad na lalaki na chinito habang nakaturo sa mukha niya. (Oyy Chinito~ Chinito~ at kung ikaw ay nakatawa, ako pa ba ay nakikita~) Ay stop!

"Ate, nandiyan ka na pala Hehe" Sabi naman ng kapatid ko na parang nahihiya na kinikilig na ewan. Tsk tsk ito na nga bang sinasabi ko eh. Wag siya magsusuot ng ganun.

"Wala ako dito M'm. Wala!" Sabi kong sarcastic. "At sino 'tong kasama mo ha!?" Pasigaw na tanong ko.

"Ah Ate si Rex po pala, friend ko" Friend? Ganon makatingin!? Baka boyfriend!

"H-hello Ate" Tapos kaway kaway. Yuck para siyang bakla pag nahihiya. O natatakot siya kay Precious Marla San Juan.

"Anong kailangan mo sa kapatid ko?" Maangas na tanong ko. Parang galit na Parents lang? Eh bakit ba? Kapatid ko nilalandi niya ah!

Takot na takot na yung itsura niya. Wahahaha. Sana lahat ng lalaki ganito. :P

"Sasamahan niya sana ako maghanap ng tsenelas, nasira eh." Pinakita niya sakin putol niyang tsenelas. Yun naman pala Marla nagmamagandang loob lang yung Rex. Pero dahil sa bata pa ang kapatid ko at nandito naman ako na sasamahan siya..

"Alam ko, oh makakaalis ka na! Ako na sasama sa kanya" Pagtataray ko pa din. Madala ka sa masamang tingin ko ha!

"Ah Si-sige po! Bye Meg! Bye Ate!" Tapos nagmamadali na siyang umalis. Aba Meg tawag niya ah.

"Kelan mo pa naging palayaw ang Meg?" Tanong ko habang kinuha 'yung dalawang pares ng tsenelas niya na wala ng kwenta. Sakto may dumaan na taga linis dito may dala siyang trash bag.

"Kanina lang." Sagot niya. Leche! Halata ah pumuporma!

"Hi kuya! Basura po ba yan?" Tanong ko kay Mamang may dalang plastic. (Para kang tanga Marla ano pa sa tingin mo ang laman ng trash bag na yan? Haha)

"Opo Ma'am, Bakit po?" Siguro iniisip ni Mama na Tanga ako. Wahaha. Nakakunot kasi ang noo niya o talagang ganun lang talaga ang itsura ng noo niya.

"Pasama naman po ito." Binuksan niya naman 'yung plastic saka nilagay ang wala nang kwentang tsenelas ni M'm.

Umalis na rin si Mamang may dalang basura, saka naman kami pumunta ni M'm sa malapit na pwedeng mabilhan ng tsenelas.

Naglalakad na kami papuntang beach ng makita ko ang pinaka gwapong nilalang. Hahaha. Shocks naman >////< Ang gwapo niya at ang hot. Nakasando siya, oh my nababakat ang abs. Grabe. Pinagpapawisan na ako wahahaha.

Natigil ang pagpapantasya ko ng makita si Breena na biglang pumulupot 'yung kamay sa braso ni Earl. Parang octopus. Makalaglag panga ang suot niyang two piece. Ang sexy wetwiw. Haha. Natomboy ba ko? Hehe di naman, ang sexy kase talaga. Ano daw bang sinabi ng suot ko? Kabog.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedWhere stories live. Discover now