Chapter 20

5.4K 175 19
                                    

Ang daming tao. Hirap na hirap akong makasingit. Asan na ba kasi si Earl. Asar namang lalaki 'yun. Iiwan daw ba ako dito. Papasok na sana ako kaso bigla na namang dumami ang tao.

Nakakainggit ang mga couples, mahigpit ang hawak nila sa mga kasama, Ayaw nilang maipit o maiwan.

Sinasabi ko na nga ba eh walang kwenta rin tong surprise nila sakin.

Nakipagsiksikan na lang din ako. Baka kasi hinihintay na ako ni Earl sa loob na magkasalubong ang kilay.

Syet! Mukhang maiipit talaga ako dito.

Nagulat ako sa biglang humawak sa kamay ko. Aah! Hinahatak ko iyon pero hinigpitan niya pa ang hawak sabay umakbay sakin. Naamoy ko ang pabango niya. Akala ko kung sino nang pangahas ang humawak sakin si Earl lang pala. Kinikilig na naman ako. Shems Earl kilalang kilala ko ang pabango mo. Wahaha.

Nang makalampas kami sa matao inalis niya ang pagkakaakbay sakin. Pero inilipat sa isang kamay ang pagkakahawak sakin. Kanina kasi yung kanang kamay niya ang nakahawak sa kanang kamay ko. Inilipat niya lang 'yun para na kaming magsyotang nakaholding hands.

"Huwag kang mag isip ng kung ano diyan. Masyadong matao baka mawala ka, mabuti na to." Naglakad na kami papunta kung saan. Hindi ko alam dito kaya hindi na ako umangal.

"Alin ba gusto mong unahin?" Tukoy niya sa mga rides na nandoon.

"Ito! Dito tayo!" Turo ko doon sa malapit na rides. Naeexcite na ako. Ang sabi nila nakakatakot daw dito gusto ko rin 'yun maranasan.

Sa pagsakay namin sa umpisa akala ko okey lang pero nang tumatagal na. Syet!

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!" Nakikisabay na rin ako sa mga nagsisigawan! Promise ayuko na!!! Hindi ko matingnan si Earl. Ano kayang itsura niya? Takot din kaya siya.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!"

Pagkatapos nun nanginginig ang mga tuhod ko. Grabi yun ha, matatanggal ang kaluluwa ko.

"Are you okey? Kaya mo pa?" Habang nakangisi. Inaasar niya pa ako para na nga akong hihimatayin dito! Buti na lang hindi pa ako nasusuka.

"Sa umpisa lang 'yan meh." Meh? Ano daw?

"Meh?"

"H-ha? W-wala I said Marla." Sabi niya meh 'yun ang pagkakarinig ko. Namali ba pandinig ko. "Ano tara na dali!" Nang makabawi siya, excited siya? naexcite na rin tuloy ako. Mukhang ineenjoy niya nga.

Tumayo na ako, hinawakan niya ulit ang kamay ko.

Sa isang rides ulit kami sumakay. Ganun din ang ginawa ko. Tili ng tili. Nakikisabay din sa mga sumisigaw.

Hindi ko na mabilang kung ilan na ang sinakyan namin. Kasi lahat naman pareho lang napapatili talaga ako. Pagkababa naman namin inaasar niya lang ako. Nanginginig kasi saka namumutla.

Sumakay din kami sa ewan ko ba doon basta nababasa. Swertehan na hindi ka mabasa. Buti pa itong si Earl 'yung buhok niya lang ang nabasa pero ako ito parang basang sisiw. Pati nga ata underwear ko hindi nakaligtas. Ang lamig pa.

Ang bilis nga ng oras. Maggagabi na rin dalawa na lang ata ang hindi pa namin nasasakyan. Pero sabi ko sa kanya Ferris wheel na lang ang last na sasakyan namin. Suko na ako sa rides.

Naglalakad na kami pakiramdam ko basa pa rin ako. Lumalakas na rin ang ihip ng hangin para ngang uulan anytime, wala nga ring stars sa langit.

Napayakap na lang ako sa sarili ko. Ang lamiiiig.. Grrrrrrr.

"Wear this." Inabot niya sakin ang jacket niya.

"P-pano ka?"

"Tsk. Just wear this, ayukong magalit si Tita baka magkasakit ka pa."

Ang Suplado kong Crush [BOOK 1] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon