SHUYIN 1: The Dragon's Palace

57 4 0
                                    

SHUYIN 1: The Dragon's Palace 





RYEN EVE'S POV:


Nanatili akong nakapikit habang nakakapit pa rin nang mahigpit sa magkabilang gilid ng upuan ko. Kaka-landing lang ng private jet sa isang malayo at kakaibang lugar na hindi ko pa kailanman nakita sa mapa ng mundo.


"You can open your eyes now, Eve. Pwede na tayong bumaba." Tunog seryoso pero halatang natatawang pahayag ni Blade.

Gunggong na 'to! Nasusuka na'ko eh!

Agad kong binuksan ang mga mata ko at dali-dali akong tumayo't sumunod sa kasama ko. Parang gusto pa yata niya akong iwan sa jet!


"Nandito na tayo." Pahayag niya matapos niyang tumuntong sa isang private runway.

"Where are we..?" Nakanganga kong tanong sa katabi kong si Blade.

"The place you've been dying to go to." May isang makabuluhang ngiti sa mga labi niya.

"Do you mean..." I prolonged the last word...

"Yes, Ryen." Tumango siya sabay taas ng kanang kamay niya at may kinawayan siya. "Where in the near northern part of the kingdom of Ybragon."


Ybragon...


Ito na nga ba yung...kaharian nina Azul..?


"Mahal na Prinsipe, magsisimula na po ang royal ball matapos ang isang oras." Salubong ng isang lalaking naka-tuxedo sa'min.


What?! Mahal na Prinsipe?!


"Salamat. Dalhin mo muna kami sa aking lab."

"Masusunod po."


Sumunod kami sa lalaking kausap ni Blade.


"Teka! Isa kang prinsipe?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Blade. "At nagta-Tagalog ka?!"


Bahagya siyang natawa at napailing.


"Pasensya na. Nakalimutan kong iisa lang pala ang lengguwahe natin." Nakangiti niya akong nilingon. Maamo talaga ang mukha niya. "At oo, ako ay isang prinsipe. Sa katunayan, pinsan ako nina Adam Zein." He added.

"S-Seryoso? As in?! Hala!"

"Yes and yes." Binuksan ng lalaki ang isang pinto ng isang mahabang itim na sasakyan. "Shall we?"

 "Shall we?"

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang