SHUYIN 3: Royalties of Ybragon

35 4 0
                                    

SHUYIN 3: Royalties of Ybragon



RYEN EVE'S POV:

Huminto kami sa gilid ng medyo malapad na platform na dalawang talampakan lang yata ang taas. Nakatuntong doon ang limang naggagandahan at naglalakihang silya na parang inukit talaga para sa mga maharlika. Gawa iyon sa kahoy at brown ang kulay ng mga 'yon.


Ngayon ay mayroon nang nakaupo sa magkakatabing silya na kakaiba ang disenyo. Suot nila ang kagaya nung damit ni Azul, maliban na lang sa isang magandang babaeng naka-ball gown na kulay pula at kapang kulay pulang hinaluan ng silver.


Mula sa kaliwa, nakaupo si kuya Angelo.

Mula sa kaliwa, nakaupo si kuya Angelo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang manly masyado ni kuya. Miss ko na yung mala-anghel niyang aura!


Ang upuang katabi ni kuya Angelo sa kaliwa niya ay bakante pa. Next, si King Hendrix, ang ama ng tatlong prinsipe ng Ybragon. May kapa din siyang kulay pula pero gulay gold naman ang victorian prints nun. May suot na din siyang pang-haring korona ngayon—para na talaga siyang hari kung ikukumpara kanina. Nasa kaliwa ni King Hendrix ang babaeng tinutukoy ko kanina. May suot din siyang koronang ginto pero pambabae talaga ang disenyo nun.


I am sure she is the queen...


My namja's...real mother...


At ang nasa kabilang dulo...


Ang mahal kong...si Adam Zein...


Sobrang gwapo niya... Bagay na bagay nga sa kanyang maging prinsipe. Para tuloy akong nahihiyang lumapit sa kanya. Parang hindi na siya yung Azul na naging boyfriend ko. Parang hindi ko na siya kayang abutin...


Tulala lang siya habang nakatingin sa mga taong nasa harap niya. Siguro ay nababagot na siya dahil hindi niya kasama si Persephone. Nandoon kasi sa baba ng platform yung upuan ng haliparot na yun, dun sa may gilid ni Azul.


"Zein!" Biglang tawag ni Xeven kay Azul kaya naman nataranta ako!

"Hoy? Anong ginagawa mo? Akala ko ba—"

"Kalma lang... And remember our plan. Do not say anything."


Tsk!!!


Tumingin sa amin si Azul at agad na tumayo, tapos lumapit...


Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now