SHUYIN 15: Captivated the Enemy

25 4 0
                                    

SHUYIN 15: Captivated the Enemy



RYEN EVE's POV:


"Hoy."

"Nagmamadali ka ba?"

"Wag ka nang makialam."

"Hoy, babae."

"Hoy!"

Bahagya akong napukaw ng isang sundot sa kaliwang pisngi ko... Napaungot ako habang sinusubukang buksam ang mabibigat na talukap ng mga mata ko...

"There you go."

"Gising na ba?"

"Malapit na."

S-Sino yung nagsasalita..?

Tsaka...


Bigla na lang bumalik sa alaala ko ang huling nangyari sa'kin.


Diba... Hinimatay ako sa gilid ng daan?!


Napasingap ako at pilit na dumilat. Agad naman akong napangiwi nang tumama sa paningin ko ang napakaliwanag na sikat ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintanang nasa tapat ko.

Gusto ko sanang takpan yung mga mata ko pero hindi ko magalaw ang mga 'yon.

Teka...

B-Bakit ako...nakatali?!

Tila tuluyan na talaga akong nagising nang maramdaman kong nakatali sa magbilang arm ng upuan ang magkabila kong kamay!

"T-Tulong..." Shutek, bakit ako napaos?! "T-Tulong!" Kahit nawawala yung boses ko ay pinilit ko paring sumigaw at sinusubukan ko pa ring kumalas sa pagkakatali sa'kin!


Sino yung gumawa nito?


Sino yung kumuha sa'kin?!


Sino yung nagdala sa'kin dito?!


Nang mapagtanto kong hindi ako basta-bastang makakawala sa pagkakatali sa'kin ay huminto na ako sa pagpupumiglas. Nahihilo pa rin talaga ako at ang bigat-bigat pa rin ng ulo ko...

Pinilit ko ang sarili kong mag-isip ng paraan para makatakas ako dito. Mukhang wala pa yung mga may pakana nito kaya may oras pa ako para tumakas!

"Kung anuman 'yang pinaplano mo, wag mo nang ituloy." Napakislot ako nang biglang may nagsalita sa bandang tenga ko pa talaga!

Agad akong binalot ng takot... Hindi pamilyar sa'kin ang boses na iyon kaya malamang hindi ito basta biro lang! Totoo talagang may kumidnap sa'kin!

"S-Sino ka?" Utal kong tanong habang pilit na pinapatatag ang sarili ko.

Shit...

"Kilala mo'ko, hindi ba?" I can sense evilness even by just hearing his voice.

"Ano ba'ng sinasabi mo?" Pigil-nginig kong tugon.

Narinig ko ang bawat yabag niya at mukhang papunta na siya sa harapan ko.

"W-Wala akong kilala dito—" Napahinto ako nang matamaan ng liwanag ang hitsura niya.

Nakatayo na siya sa harap ko habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay at may isang tagibang na ngiti sa mga labi niya...


Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now