SHUYIN 6: His Princess

29 2 0
                                    

SHUYIN 6: His Princess




RYEN EVE'S POV:

Kanina pa kami naglalakad-lakad ni Azul NANG TAHIMIK. Pero...inaamin ko, sobrang ganda talaga dito sa Serlande. I never knew anything about this continent—info acquired from Xeven—and I guess they hid everything about their continent on purpose. Siguro para huwag silang pakialaman ng ibang mga bansa at nang ma-preserve nila ang kagandahan nitong lugar nila. I couldn't agree more. This place is too beautiful to be true. Hindi mainit, ambango ng hangin dahil andaming kahoy na may mababangong bulaklak, nakangiti ang halos lahat ng taong nadadaanan at nakikita ko, walang traffic, and everything is made of eco-friendly materials. Sana all.

"So..." Nabigla ako sa biglang pag-imik ni Azul. Sa wakas naman! "Mahihirapan akong pakisamahan ka kasi hindi ka nagsasalita." Huminga siya nang malalim, halatang nag-aalangan sa sasabihin.


I slowly nodded as a response...


There should be a way for us to communicate kahit nagpapanggap akong pipi!


Think, Ryen Eve!


THINK!!!



AHHH! ALAM KO NA!



I stopped and gently held his arm kaya naman nagtataka siyang napahinto rin at napatingin sa'kin. Nakasalubong pa talaga yung mga kilay niya at halatang ayaw niyang magpahawak.


Namja...don't give me that look, please... It hurts.


Inilabas ko yung cellphone na binigay sa'kin ni Xeven mula sa bulsa ng dress na suot ko at itinaas ko yun sa ere para makita ni Azul. Gladly, he stared at it and lost that cold facial expression he had a while ago.


I began typing on my phone...


["Pwede kong i-type dito yung mga sagot ko :)"] Nilagyan ko pa talaga ng smiley para malaman niyang mabait akong tao. Charot.


Ipinakita ko yun sa kanya at bahagya namang nagliwanag yung mukha niya.


"Good idea." Pero hindi pa rin siya ngumingiti. Miss ko na talaga ngiti niya. "May gusto ka bang bilhin bago tayo mag-lunch?" Tipikal niyang tanong habang nakapamulsa.


Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad habang hawak-hawak ko pa rin nang mahigpit yung cellphone ko. Hindi niya lang alam na nakapako lang sa kanya yung tingin ko...


["Wala akong pera..."]
I typed and showed him.

"Libre ko na. May gusto kang bilhin?" Hindi niya talaga ako nililingon kapag nagsasalita siya...


Kaya naman tinititigan ko na lang siya nang wagas. Ang gwapu-gwapo talaga niya lalo na't tinatangay-tangay pa ng sariwang hangin yung buhok niya. He also looks calm right now.


["Okay lang, nakakahiya naman sa inyo, Mahal na Prinsipe."]
Again, I showed him my phone.

"Di ka na dapat mahiya. Pero siguro nga next time na lang. It's almost 12 noon." Sagot niya habang nakatingin sa mamahalin niyang relo.

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now