SHUYIN 2: The Royal Ball

39 3 1
                                    

SHUYIN 2: The Royal Ball




RYEN EVE'S POV:


Napaawang ang mga labi ko nang makapasok na kami sa napakalaking palasyo ng mga de Valence. Hindi ko kailanman naisip na makakapunta ako sa ganitong lugar, o na totoo nga ang ganitong lugar.


Pero ngayon, nandito na nga ako at totoo nga ang lahat ng ito.


Palihim kong sinampal ang sarili ko para siguraduhing hindi ako nananaginip. And yes, I proved myself what I had to prove myself.


"Shemay..." I muttered as I continued to walk towards the graceful, elegant crowd.


Naglakad-lakad kami sa napakalaki at napakagandang hall. Sabi ni Blade, isa daw ito sa mga function hall ng Ybragon Palace. Para nga akong nananaginip eh. Hindi ko akalaing may mga ganitong lugar pala talaga. Sa TV ko lang 'to nakikita dati eh...

Tumutugtog ang isang classical music at taliwas sa karaniwang ball, maliwanag ang paligid. Maraming nag-iilaw na chandeliers at marami ring flower arrangements.

Kasalukuyan akong nakahawak sa kaliwang braso ni Blade. Nagpapanggap kasi kaming magpartners para lang makapasok ako dito.


Andaming tao. Ang finesse nilang gumalaw at pormal na pormal silang kumilos. Puro yata mayayaman ang mga nandito... Lahat naka-ballgown at maskara gaya ko.

Ayon kay Blade, ang royalties lang daw ang hindi nakamaskara. Kaya naman bukod sa wala akong kakilala sa mga tao ditong maliban sa mga de Valence ay wala rin akong ni isang mamukhaan dahil puro nakamaskara lahat. Ako naman, kulay silver yung maskarang suot ko at natatakpan nito ang higit kalahati ng mukha ko. Si Blade naman ay walang suot na maskara dahil isa siyang prinsipe.


"Mahal na Prinsipe! Magandang gabi po!" Bati ng isang babaeng nakamaskara.

"Magandang gabi, Laura." Sagot naman ni Blade.

"See? Kilala niya ako!" Kilig nitong balita sa mga kaibigan nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"See? Kilala niya ako!" Kilig nitong balita sa mga kaibigan nito.

"Oo na! Grabe ka talaga!"


Ganito pala kasikat ang royalties... Parang artista na din.


Bigla naman akong napahinto sa paglalakad nang hawakan ni Blade ang pulsuhan ko. Mukhang nagri-ring ang phone niya at kailangan niya muna iyong sagutin.

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now