SHUYIN 18: Painful Goodbye

24 4 0
                                    

SHUYIN 18: Painful Goodbye



RYEN EVE'S POV:

Kasalukuyan akong nakatayo sa labas ng gate ng palasyo. Hinihintay kong matapos si Xeven sa paglagay ng mga maleta ko sa sasakyang maghahatid sa akin sa private airport nila.

Ramdam ko ang sariwang hanging dumadampi sa balat ko at tinatangay-tangay din nito ang skirt ng dress kong kulay dilaw. Nagsuot ako ng dress na may maliwanag na kulay kahit na punung-puno na ng kadiliman ang buhay ko ngayon.

Kanina pa ako may kakaibang nararamdaman. Para akong nalulungkot at kinakabahan nang sobra...

I understand why I am feeling painfully sad. Sino ba naman ang hindi malulungkot kapag umasa kang magkakabalikan pa kayo ng mahal mo tapos hindi na pala yun mangyayari? And worse, may mahal na siyang iba.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako kinakabahan. Sa anong posibleng rason naman, eh uuwi na din naman ako sa Pilipinas at hindi naman ako takot sumakay sa jet plane?

Napansin kong lumapit na ulit si Xeven sa'kin kay naiwasik ko na yung mga iniisip ko.

"Ryen, pasensya na talaga kung hindi namin natupad yung pangako naming magkakaayos kayo ni Zein..." He pressed his lips together and rubbed his nape.

"Naku, o-okay lang... Hindi naman natin p-pwedeng pilitin yung ayaw na talaga..." I forced a smile and exhaled heavily... "Pero...nasan na ba siya? Gusto ko lang sanang...magpaalam nang maayos..." Nawala yung ngiti sa mga labi ko... "Sa huling pagkakataon..."

"Tss. Ikaw talaga." He hissed and patted my head gently. "Hindi pa nga tayo sigurado kung ito na nga ba ang huli nating pagkikita."

Gusto kong umasang magkikita pa tayo ulit, Xeven, pero mukhang imposible na yatang mangyari yun

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gusto kong umasang magkikita pa tayo ulit, Xeven, pero mukhang imposible na yatang mangyari yun.


Ayaw na talaga ng mga magulang niyo sa akin.


At isa akong di hamak na pabigat lang dito sa Ybragon...


Siguro nga oras na para patahimikin ko na ang mga buhay niyo...


"Oh, wag ka nang malungkot. Wrong timing lang talaga yung alis mo. Nasa kaharian ng Esphyr kasi si Zein ngayon, kasama sina daddy at mommy."

"Esphyr?" Unang beses ko pa lang narinig yun...

"Yeah. The Kingdom of Bravery. Malakas din ang Royal Army ng Esphyr kaya sila ang napili naming maging kakampi in case na matuloy ang digmaan." Paliwanag niyang nagpaawang naman sa mga labi ko.

"Oo nga pala, akala ko ba ngayon na yung negosasyon?"

"Yes. The first negotiation is between Ybragon and Esphyr. A negotiation for alliance. The second one is between Ybragon and the enemies."

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now