SHUYIN 25: Sorrowful Celebration

40 5 1
                                    

SHUYIN 25: Sorrowful Celebration



Isang selebrasyon ang idinaos sa buong kaharian ng Ybragon dahil sa magandang balitang nagmumula sa kaharian ng Esphyr. Dahil sa walang pagdadalawang-isip na tangkang pagligtas nina Persephone, Adam Zein, King Hendrix, at Ryen Eve kay King Fabian ay pumayag na itong maging kaalyado nila. Ayon dito, hindi man nito ginusto na may buhay na mawala ay yun na nga ang "act of bravery" na maituturing.

Dumalo ang mga maharlika ng Esphyr sa selebrasyon ng Ybragon at lahat ng maharlika ng dalawang kaharian ay nagsama-sama sa Shrine of the Dragon.

Kasalulukuyang napapalibutan ng mga kawal ng Ybragon ang buong shrine at wala ring ibang pwedeng makapasok doon maliban sa mga maharlika at mahahalagang tauhan ng dalawang kaharian.

Habang nagsasaya ang ibang mga maharlika at mga bisita ay nasa gilid naman ng higanteng gintong dragon si Adam Zein, nakaupo sa isang bench at nagmumukmok. Hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya si Blade.

"Bro, okay ka lang?" Tinapik nito ang balikat niya at kung hindi pa nito ginawa iyon ay hindi pa niya ito mapapansin.

"Okay lang ako." Ngumiti siya nang pilit at muling napatingin sa kawalan.

"Tss, hindi na pala dapat ako nagtanong. Halata namang hindi ka pa rin okay." Bumuntong-hininga ito at umupo sa tabi niya. "Ba't di mo subukang magsaya? Nagdiriwang ang lahat oh, tapos nangpapaka-loner ka lang dito."

"Gustuhin ko man, hindi ko pa rin mapipilit ang sarili ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Gustuhin ko man, hindi ko pa rin mapipilit ang sarili ko."

"Haaay, sayang lang kasi para sa'yo din itong celebration kasi naging successful ang negosasyon mo sa Esphyr."

"Alam ko, bro. Masaya din naman ako pero..." Nawalan siya ng salita... Bigla-bigla na lang siyang nabablangko. Bigla-bigla na lang din kasing sumusulpot sa isipan niya si Ryen Eve...

 Bigla-bigla na lang din kasing sumusulpot sa isipan niya si Ryen Eve

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Pero mas nananaig pa rin ang lungkot at sakit. Alam ko. Pero bro, gusto ko lang ipaalala sa'yong may kasal ka pang dapat isipin pati na yung magiging negosasyon mo sa mga kalaban." Tinapik nito ang kaliwang balikat niya.

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now