SHUYIN 23: Too Late

39 5 1
                                    

SHUYIN 23: Too Late 



Kababalik lang ni Adam Zein sa ospital kung saan niyang iniwang ginagamot si Ryen Eve.

Tahimik at puno ng pag-aalala siyang naglalakad sa hallway ng ospital kasabay ang mga kuya niyang sina Xeven Ash at Zack Angelo. Maging ang dalawa niyang kapatid ay walang ni isang salitang sinasabi dahil sa lubos na pag-aalala.

Ilang oras lang ang tulog ni Zein dahil hatinggabi na siyang nagdesisyong umuwi para kumuha ng mga gamit at ilang oras pa ang biniyahe niya. Inabisuhan din siya ng mga magulang niyang matulog muna bago bumalik sa ospital at ang mga ito na muna ang magbabantay kay Eve. At dahil hindi rin naman siya makatulog nang maayos at matiwasay ay maaga pa siyang bumangon para balikan si Ryen Eve sa Esphyr.

Nagdala na din siya ng itim na duffel bag na puno ng mga damit at mga gamit na kakailanganin niya sa pananatili sa ospital. Balak kasi niyang manatili na sa tabi ni Ryen Eve hanggang sa gumaling ito.

Malapit na nilang marating ang ICU na kinaroroonan ni Ryen Eve nang mapansin niyang wala na ang mga guwardiyang inatasan ni King Fabian na magbantay sa labas ng kwarto nito. Higit-kumulang limang kawal ang dapat na nandoon.

"Nasan na yung mga nagbabantay kay Red..?" Wala sa sarili niyang tanong at binilisan pa niya yung lakad niya at ganun na rin sina Xeven at Angelo.

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata niya at kumabog nang malakas ang dibdib niya nang bigla niyang makitang patay na ang ilaw sa loob ng ICU at bakante na rin ito.

"B-Bro...si Eve?" Nag-aalangang tanong ni Angelo na unang beses sanang dadalaw kay Eve.

Dali-daling tinignan ni Zein ang room number ng kwartong kaharap nila pati na ang mga katabing kwarto nitong may kanya-kanya ring lamang pasyente, pero wala rin doon si Eve.

"Shit... Nasan ka, yeoja?" Kunot-noong imik ni Zein sa sarili habang mabilis na humahakbang pabalik sa bakanteng ICU.

"Bro...bakit wala na si Eve?" Takang-takang tanong ulit ni Angelo habang tinitignang mabuti yung loob ng kwarto.

"Hindi ko rin alam..." Tulalang sagot ni Zein habang binabalot na naman ng kaba ang puso't isipan niya. "Wala namang sinabi sina dad sa'kin. Sila yung nagbantay kay Eve nung umuwi ako."

"Mas mabuti pang magtanong na lang tayo sa mga nurse." Suhestiyon ni Xeven na agad naman nilang sinunod.

Tumungo sila sa pinakamalapit na estasyon ng mga nurse at doon na sila nagtanong.

"Miss, yung bakanteng ICU, diba doon naka-confine si Ryen Eve Detarro?" Nagmamadali at hindi mapakaling tanong ni Zein sa isang babaeng nurse.

"Prince Adam Zein de Valence—and Prince Xeven and Prince Angelo!" Mukhang nataranta ito nang makita sila. "H-Hindi po ba sinabi nina King Hendrix at Queen Celestia sa inyo?" Nagtataka nitong tanong habang nakatingin sa kanila nang palipat-lipat.

Nagsimula na rin sa paglapit sa kanila yung iba pang mga nurse.

"A-Anong hindi nila nasabi?" Singit ni Angelo nang may kabang nararamdaman. "Wala silang sinabi sa'min."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now