SHUYIN 7: Hopeless Heart

29 2 0
                                    

SHUYIN 7: Hopeless Heart




RYEN EVE'S POV:

Napukaw ako ng malakas na tunog ng paulit-ulit na katok sa pinto ng kwarto ko. Halos hindi ko na maimulat nang husto ang mga mata ko dahil sa sobrang pamamaga ng mga ito.


"Sena?" Ang boses na yun, sigurado akong kay Xeven yun.


Dali-dali akong bumangon at nagsuot ng bra tsaka ko sinuot yung belo. Agad din akong tumakbo para buksan yung pinto.


Sinalubong ako ng kunot-noong si Xeven, na para bang nagtataka siya na nag-aalala na naiinis na halu-halo na.


"Bakit antagal mong magbukas?" Seryoso niyang tanong tsaka niya'ko hinawi pagilid at pumasok na siya sa kwarto ko.


Isinara ko naman yung pinto at hinarap ko na ulit siya. Kasalukuyan na siyang nakaupo sa sofa sa harap ng bintana sa kabilang dulo ng kwarto. Ang siko niya'y nakapatong sa right arm ng sofa habang nakapangalumbaba siya at naka-dekuwatro din siya.

Nakatitig siya sa'kin pero hindi naman iyon matalim o malamig. Parang may malalim na ibig sabihin ang mga titig niya ngayon...


"B-Bakit..?" Bigla akong nautal. Siguro pati lalamunan ko ay natuyo sa sobrang pag-iyak ko kahapon... "S-Sorry kung...hindi kita napagbuksan kaagad..."

"Okay ka lang ba?" Nakakabigla ang pag-aalala sa boses niya...


I stared at him and his brows have already met, showing concern and a bit of...sadness...

sadness

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"O-Oo... Okay lang...ako..." Nag-aalangan ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari o hindi...

"I know what Zein did." He heaved a sigh and looked at the floor. "Pinakilala niya si Persephone sa'yo at hindi ka niya sinamahang umuwi..."


Natahimik na lang ako. Siguro ay nakausap na niya si Azul kaya niya alam. Wala na rin akong maisip na sabihin bukod sa gusto ko nang umuwi at wala na kaming pag-asa ni Azul.


"Hey..." Napakislot ako nang mapansin kong nasa harap ko na pala siya.


Ambilis naman niya!


Marahan niyang hinawakan ang kaliwang balikat ko para pakalmahin ako... Hindi naman ako nagpapakita ng intense na reaksiyon pero nahahalata pa rin siguro niya...


"Uuwi na lang ako...Xeven..." Matamlay at malungkot kong imik habang nakatungo.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now