SHUYIN 27: Before the Wedding

17 2 0
                                    

SHUYIN 27: Before the Wedding



ADAM ZEIN'S POV:

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ikakasal na si Adam Zein at abalang-abala na ang buong palasyo. Sa Serlande Cathedral igaganap ang seremonya at sa Grand Mansion of Hearts naman ang reception.

"Your Highness, narito na po ang inyong damit. Kailangan niyo na daw pong magbihis at aalis na tayo in 30 minutes." Nakangiting paalala ng isang head assistant sa kanya matapos nitong ilapag sa malapad niyang kama ang damit pangkasal niya.

"Sige. Magbibihis na lang din naman ako." Tugon niya tsaka niya kinuha yung damit.

Agad na lumabas ang head assistant para makapag-ayos na siya. Wala pa rin sa pakiramdam niyang ikakasal na talaga siya ngayong araw, pero sinusunod na lang niya ang bawat paalala ng mga tao sa paligid niya.


Ilang minuto ang makalipas ay may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Tinungo niya iyon at binuksan habang nakatago sa likod ng pinto dahil hindi pa niya nasusuot yung pang-ibabaw niyang damit.

Iniluwa naman ng pinto ang kanyang ama. Isinara nito ang pinto at humarap sa kanya nang may kakaibang ngiti sa mga labi.

"My son, you really are getting married today." Mukhang mas masaya pa ito kesa sa kanya.

"Yeah. Anything I can help you with, dad?" Tipikal niyang tanong sabay kuha ng pang-ibabaw niyang damit.

"No. But...maybe I can help you with that." Itinuro nito ang damit na hawak niya. "It's kinda tricky wo wear." Muli itong ngumiti at kinuha nito ang damit mula sa pagkakahawak niya.

Sa damit na isusuot niya ay magmumukha na talaga siyang prinsipe, di gaya ng palagi niyang suot na plain suit o mga formal attire. Ito na talaga ang suot ng mga prinsipe sa fairytale.

Kinalikot nito ang damit niya tsaka nito iyon tuluyang ipinasuot sa kanya. Madali naman niya iyong nasuot dahil sa pagtulong ng ama niya. Matapos niya iyong suotin ay muli nitong ikinabit ang sash sa harap ng damit at inayos na rin nito ang pagkakakabit ng ilang pins sa kaliwang parte ng damit niya. Mukha ngang hindi ito madaling suotin kung siya lang ang gagawa.

"Thanks, dad." Isang ngiti ang binigay niya sa ama matapos nitong ayusin ang damit niya.

"No problem, son." Bumuntong-hininga ito tsaka nito tinapik ang kanang balikat niya. "I know everything has been hard for you, pero sana ipakita mo naman sa lahat mamaya na masaya ka. A smile would be perfect for the ceremony." Pahayag nito habang nakatitig sa mga mata niya.

Hindi siya nakasagot, bagkus ay huminga siya nang malalim at nag-iwas ng tingin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi siya nakasagot, bagkus ay huminga siya nang malalim at nag-iwas ng tingin.


"Susunod na lang ako sa baba, dad."


Ilang segundong katahimikan ang dumaan bago tuluyang sumagot si King Hendrix.


"Okay, then. I'll go ahead—"

"Nakabalik na ba si mommy?"

"Yes. Nasa cathedral na siya ngayon. The bride is also on her way to the church kaya kung pwede, sumunod ka na agad." Muli nitong tinapik ang kanang balikat niya tsaka ito tuluyang lumabas.

Naiwan siyang tahimik at mag-isa sa kwarto niya, nakatayo at hindi alam ang gagawin. Hindi na niya alam kung paano pa niya mapepeke ang ngiti niya mamaya sa seremonya at reception. Malamang kakailanganin na naman niyang gamitin ang acting skills niya para mapaniwala ang mga taong masaya nga siya.

Tahimik niyang kinuha ang S-Pad mula sa drawer ng end table sa tabi ng kama niya. Binuksan niya ang app na Facebook at tinignan sa huling pagkakataon ang picture ni Ryen Eve...

Hindi pa rin mawala-wala ang kirot sa puso niya sa tuwing nakikita niya ang picture ni Ryen. Hindi mawawala sa isip at puso niya ang panalanging sana si Ryen Eve na lang ang pakakasalan niya at hindi si Persephone, para ganap siyang maging masaya at hindi na niya kailangang magpanggap pa.

"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, yeoja... Kung nasaan ka man ngayon, sana malaman mong labag sa loob kong pakasalan si Persephone. Ikaw lang ang gusto kong makaharap sa altar. Ikaw lang ang gusto kong makasamang bumuo ng sarili kong pamilya. Ikaw lang, yeoja... Pero...kailangan kong gawin 'to para sa kapakanan ng mas nakararami. Alam mo naman yun, diba? Ginawa mo rin yun dati. Pumayag kang hiwalayan ako para sa kapakanan ng mas maraming tao—ng mga tao sa kaharian namin. Sana mapatawad mo'ko sa mga nagawa't nasabi kong masasakit sa'yo. Hindi ko rin naman ginustong mangyari ang lahat ng yun...at ang lahat ng 'to... Ito na siguro ang pinakamasakit na nangyari sa'kin, yeoja... Ang mawala ka..." Mabilis niyang pinahiran ang luhang pumatak sa kaliwang mata niya at huminga siya nang napakalalim. "Magkikita rin ulit tayo, yeoja... Kapag dumating ang panahong yun, gagawin ko ang lahat... Gagawin ko ang lahat-lahat para wag ka na ulit mawala sa'kin. Para mapakita ko sa'yo kung gaano kita kamahal..." Ipinikit niya ang mga mata niya at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa screen ng S-Pad niya hanggang sa dumampi ang mga labi niya sa mukha ni Ryen Eve sa screen.

Pagkatapos ng buong-pusong paghalik sa picture ni Ryen Eve ay agad niyang tinungo ang settings ng app at dineactivate na niya yung account niya. Lumabas na rin siya sa app at dinelete niya iyon. Ibinalik na niya sa drawer yung S-Pad.

Bago siya tuluyang bumaba ay sinubukan ulit niyang pindutin yung ulo ng leon sa bracelet na suot pa rin niya, pero gaya ng inaasahan ay hindi na naman iyon nagvibrate. Hindi niya alam kung bakit sinusubukan pa rin niya iyong gawin kahit alam naman niyang malabo nang mangyaring matrack pa ng bracelet niya yung bracelet ni Ryen Eve. Siguro parte pa rin talaga niya ang humihiling at umaasang bumalik pa si Ryen Eve...

Bumuntong-hininga na lang siya at umiling-iling para iwasik ang kalungkutan at sakit na unti-unti na namang lumalamon sa kanya.


Dali-dali niyang inayos nang huling beses ang hitsura niya sa harap ng malaking salamin sa kwarto niya at agad na rin siyang lumabas para sumunod na sa ama niya.

Dali-dali niyang inayos nang huling beses ang hitsura niya sa harap ng malaking salamin sa kwarto niya at agad na rin siyang lumabas para sumunod na sa ama niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oras na para tumungo siya sa Serlande Cathedral.



Wala nang atrasan pa.




Read. Vote. Comment. Support.
#babaengbully

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon