SHUYIN 13: Pain for Breakfast

80 5 6
                                    

SHUYIN 13: Pain for Breakfast

RYEN EVE's POV: 

Wala man ako sa sarili ko ay pinilit ko pa ring lumabas sa kwarto para kumain. Hindi naman siguro ako pwedeng mamatay sa gutom at dumagdag pa sa mga problema ng mga tao dito...

Parang sirang plaka yung utak ko na paulit-ulit na nire-replay yung masasakit na bagay na sinabi ni Azul sakin kahapon...

Paulit-ulit akong sinasampal ng katotohanang siya na mismo ang nagsabing hindi na maibabalik pa ang pagmamahal niya para sa'kin...

Nakalutang ang isip ko habang naglalakad nang bigla na lang lumampas sa dulo ng sahig yung kanang paa ko!

"Uy!" Isang lalaki ang sumalo sa'kin at buti na lang talaga! Kung hindi niya ako nasalo, malamang nahulog na ako sa hagdan!

"S-Sorry..." Parang tanga kong imik sabay ayos ng tayo...

"Okay ka lang ba? Di ka naman nasaktan, diba?"

Napatingin ako sa nagsasalita. Si Blade pala...

"Okay lang a-ako

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

"Okay lang a-ako..." Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti tsaka ko siya nilampasan at bumaba na ako sa hagdan.

"Teka, saan ka pupunta?" Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit ulit sa akin.

"K-Kakain..." Para talaga akong patay na nagsasalita. Wala akong kahit na konting sigla sa katawan...

"Samahan na kita." Alok niya.

"Wag na... O-Okay lang naman ako—"

"I insist. Nangako ako kay Xeven na ako muna ang magbabantay sa'yo habang wala siya."

Huh?

"H-Hindi niyo naman ako kelangang...p-pag-aksayahan pa ng oras, Blade..." Pabigat nang pabigat ang bawat paghakbang ng mga paa ko...

"Wag mo ngang isipin yan, Ryen. Lagi mong tatandaang hindi ka nag-iisa dito. Nandito kami. Palagi kaming busy pero nandito pa rin naman kami para sa'yo." Pep talk niya habang sumasabay sa'kin.

Wala na rin sigurong sense kung pilit ko pa siyang tatanggihan. Kung gusto niya akong bantayan, fine.

"S-Sige... Salamat..." Muli akong ngumiti nang pilit at patuloy pa ring naglakad.

"So, nakausap mo na ba si Zein?"

At dahil sa tanong niyang yun ay lalo lang lumala ang kabigatang kasalukuyang nararamdaman ko...

Pagtango na lang ang tangi kong naisagot sa kanya.

"Well...I can sense that you're not okay, yet?"

"Hindi ko alam kung...magiging okay pa nga ba kami, Blade."

"Ha?" Tumigil siya paglalakad at hinawakan na din niya ang kanang balikat ko para patigilin din ako. "Anong ibig mong sabihin?"

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora