SHUYIN 12: Unwelcome

41 4 2
                                    

SHUYIN 12: Unwelcome



RYEN EVE's POV:

Imbis na makausap ko na si Azul dahil alam na niya ang tungkol sa pagpapanggap ko ay nandito pa ako ngayon sa throne room dahil dinala ako ni King Hendrix dito. Nakaupo sa kanilang mga trono ang hari't reyna habang nakatitig nang matalim sa akin.

"What did you do?" Nagtagis ang bagang ni Queen Celestia. "What did you just do?!"

Napakislot ako sa biglaan niyang pagsigaw at napayakap na lang ako sa sarili ko habang nakatungo.

"S-Sorry po... Hindi ko naman po g-ginusto yung nangyari—"

"Hindi ginusto?" Halatang hindi siya naniniwala. "For all I know, sinadya mo ang nangyari dahil hindi ka na talaga makapaghintay! And worse, si Persephone pa talaga ang ginawa mong daan!" She chided, enough to make me feel even worse about myself.

"H-Hindi po totoo yan..." Naluluha ko siyang inangatan ng tingin. "Nag-uusap lang po kami ni Xeven nun. Hindi po talaga namin alam na nasa likuran na pala namin siya..." Pagpapaliwanag ko habang pinipigilan ang panginginig ng mga labi at boses ko...

"Reasons!" Nagngangalit talaga ang mga mata niya. Nakakasindak...

"Celestia, calm down." Sa wakas ay sumingit na si King Hendrix. "Huwag mo namang isisi lahat kay Ryen Eve. Kung hindi na sana nakisali si Persephone, hindi naman mangyayari 'to."

Thank you, King Hendrix

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Thank you, King Hendrix...

"Now you're defending her?" Nanlisik na talaga ang mga mata ng reyna at saglit pa nitong nilingon ang hari. "Ano ba ang pinakain sa inyo ng babaeng yan at nagpapauto kayo sa kanya? Paano natin masisiguradong mahal nga talaga niya si Zein at hindi lang basta pera't kayamanan ang habol niya?"

Doon na ako tuluyang naalimpungatan. Biglang nag-init ang mga tenga ko at pakiramdam ko ay unti-unti nang umuusok itong ulo ko.

Napakagat na lamang ako sa ibaba kong labi at napakuyom para pigilan ang sarili ko sa pagsagot nang may galit na tono.

"M-Mawalang galang na ho, Mahal na Reyna." Nagtatagis na rin ang bagang ko pero hindi iyon ipinahalata. "Minahal ko na po si Adam Zein bago ko pa man nalaman na isa siyang prinsipe. Mahal ko po siya kahit nung hindi pa niya sinasabi sa akin ang tungkol sa buong pagkatao niya. Mahal ko po si Zein hindi dahil mayaman siya kundi dahil sa sayang ipinaparamdam niya sa'kin sa tuwing magkasama kami. Lagi siyang nandiyan para sa akin at lagi niyang sinisiguradong nasa mabuti akong kalagayan. Ipinakita niya sa'kin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano niya ako kagustong alagaan. Yun po ang dahilan kung bakit ko siya minahal."

Napansin ko ang unti-unting paglaho ng galit sa mukha ni Queen Celestia. Mukhang naintindihan naman niya kahit papaano yung sinabi ko.

"Lies." Pero ayaw pa rin talaga niyang magpatalo.

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now