SHUYIN 16: Dangerous Attraction

27 4 0
                                    

SHUYIN 16: Dangerous Attraction



RYEN EVE's POV:

"When I say you eat, you eat." Malamig na utos ni Fyro habang sinusubukan akong subuan ng pagkain.


Kanina pa ako tumatanggi at mukhang napupuno na din siya.


Ano ba naman kasi itong pumasok sa utak niya at ginawa pa niya akong asawa niya? Hindi naman sa pinakasalan na niya ako, pero kung ituring niya ako para na talaga kaming mag-asawa!

Nakaka-ilang at nakakakilabot kahit na inaamin kong hindi naman siya ganun kapangit tignan at kamanyak kung umasta.

May iba siyang inilagay sa kaliwang kamay ko at nakakabit doon ang mahabang kadenang nakakonekta sa kanang kamay niya. Iginapos pa talaga niya kami sa isa't isa!

"Ayoko. Mamaya may kung ano kang inilagay diyan." Kunyari nag-iinarte lang ako pero ang totoo niyan, natatakot din ako sa pwede niyang gawin sa'kin...

"Fine. I'll take a bite to prove you that it's safe." Sinamaan pa niya ako ng tingin tsaka niya isinubo yung pagkain.

Safe nga... Pero...parang ayoko pa rin... Hindi ko lubos maisip na magpapasubo ako sa ibang lalaki bukod kay Azul...

Si Azul lang dapat ang gumagawa nito sa'kin at wala nang iba pa...


Alam na kaya niyang nawawala ako?


Napansin na kaya niya?


Hinahanap na kaya nila ako?


I know it's weird to think like this, but...


Sana walang makahalata...


Sana hindi na magvibrate itong owl sa bracelet na suot ko...


Ayoko kasing...madagdagan pa yung galit ni Queen Celestia sa akin. Kahit ganun siya ay ina pa rin siya ni Azul, kaya ayokong kinamumuhian niya ako...


Kaya naman kung kinakailangang mag-isa kong palayain ang sarili ko mula sa mga baliw na 'to, kakayanin ko...


"Ano? Ayaw mo pa rin? Kapag ako nainis—"

"Oo na, kakain na..." Mahina kong sagot tsaka ko sinubo yung pagkain.

Hindi naman siya ngumiti pero nakita ko naman agad ang pagkawala ng malamig na emosyon sa mukha niya.

Gusto ba talaga ako ng taong 'to? Jusko! Ako pa talaga?!

Sinakyan ko na muna ang mga gusto niya para huwag niya akong saktan. Mukha kasi siyang mananakit kapag naiinis...

Kailangan kong sakyan ang mga gusto niya para makagawa ako ng paraan para makalabas dito nang hindi na pinaghihinalaan...








----------

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now