SHUYIN 28: The Wedding

21 3 1
                                    

SHUYIN 28: The Wedding



ADAM ZEIN'S POV:


Huminto sa tapat ng antigong simbahan ang puting mala-limousine na sasakyang kinalululanan ko. Napahinga ako nang malalim habang nililibot ng tingin ang labas ng Serlande Cathedral. Malayu-layo pa ang gate sa kinaroroonan ko at puno iyon ng mga kawal ng Ybragon at Thanatos na pinagsama. Sa bawat sulok din nitong malapad na hardin sa tapat ng simbahan ay may nakabantay ring kawal. Idagdag mo pa ang dalawang kawal na may matataas na ranggong nakatayo sa magkabilang gilid ng main door.


Wala na nga talagang sense kapag nag-akma pa akong tumakas.


Wala na talaga akong takas.


"Your bride is almost here, son. Kailangan na nating pumuwesto sa loob." Imik ni dad mula sa passenger seat.

"Okay..." Medyo nag-aalangan pa rin ako pero bahala na.


Para sa kaharian...


Napalunok pa ako bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto ng sasakyan tsaka ako bumaba. Agad na nagbow nang sabay-sabay ang mga kawal na nakabantay sa paligid namin bilang pagbibigay-galang sa akin. Itinaas ko ang kanang kamay ko bilang tugon at muli silang tumayo nang matuwid.

Bumaba na rin si dad sa sasakyan at saktong dumaan ang malakas at preskong simoy ng hangin. Bawat pagdampi nun sa balat ko ay siya ring pagkaamoy ko sa halimuyak ng mga bulaklak na ikinabit nila sa sasakyang sinakyan ko bilang disenyo at bilang simbolong ikakasal na ang sumasakay doon.

Parang paulit-ulit akong ginigising ng mundo. Paulit-ulit akong pinapaalalahanang ikakasal na talaga ako.

Ikakasal na ako sa babaeng hindi ko naman gusto.

Bumuntong-hininga ako't nilakasan ko na lang ang loob ko. Nagsimula na akong maglakad paakyat sa iilang hakbang ng sementong hagdan at huminto ako sa tapat ng main door.

"Everyone awaits, Your Royal Highness." Matikas na pahayag ng dalawang kawal nang sabay.

"I know." Palihim na naman akong huminga nang malalim. "Open the door."

Agad nilang binuksan ang mala-higanteng pinto ng simbahan at kasabay nun ang awtomatikong pagsimula ng orchestral music na siyang bumalot sa buong lugar. Nakakapanindig balahibo ang paghahandang ginawa nila. Wala akong alam sa lahat ng nakikita ko ngayon dahil hindi ako tumulong sa preparations.

May orchestra na nakapuwesto sa kaliwang sulok ng simbahan at siyang tumutugtog ngayon. Para silang mga anghel sa kulay puting cloak na suot nilang tinalian ng gintong laso sa beywang.

Punung-puno ng tao ang buong cathedral. Commoners, elites, royalties, name the hierarchical levels all you want. Syempre, nasa unahan ang royalties at lahat sila ay naka-royal attire.

May mga antigong puting tila haliging nakahanay sa aisle, kaliwa't kanan, dulo hanggang dulo. Nakapalibot sa bawat haligi ang puting vines at tila bang namumulaklak ang mga iyon ng kulay puting rosas at gintong articifial cherry blossoms. Nakalagay sa dulong ibabaw ng haligi ang gintong telang manipis at flowy, at naka-konekta iyon sa isa pang haligi sa tapat nito, sa kabilang dako ng aisle.

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now