SHUYIN 21: Taking the Bullet

28 4 0
                                    

SHUYIN 21: Taking the Bullet



RYEN EVE'S POV:

Nakatayo ako sa ilalim ng isang malaking puno habang dinarama ang mga huling panahong malalanghap ko ang ganito kasariwang hangin. Tsaka gusto ko lang mapag-isa kasi nga humihikbi pa rin ako. Ayaw ko namang maging center of attraction.

Ikakasal na nga talaga si Zein kay Persephone. Sobrang mahal na siguro niya yung babaeng yun kaya ambilis niyang nagdesisyong pakasalan na iyon nang tuluyan...


Paano na ako ngayon?


Paano na ako?


Ayoko nang maghanap pa ulit ng bagong mamahalin...


Ayoko nang magmahal ng iba...


"Miss, okay ka lang?" Isang lalaki ang tumigil sa harap ko, tila nagtataka sa sitwasyon ko.

Suminghot ako at nahihiyang tumingin sa kanya habang naluluha pa rin.

"O-Okay lang po ako. W-Wag niyo n-na lang po akong pansinin." Pilit akong ngumiti sa kanya.

Para naman siyang bangag na palingun-lingon sa paligid.

"Ahh, sige. Pero mas mabuti siguro kapag bumalik ka na dun." Itinuro niya yung parte ng gubat na may mga sasakyan matapos niyang ibaba yung mahabang bag na dala niya. "Delikado kasi ang parteng 'to ng gubat. Ilang babae na ang nawala dito."


Hala! Diyos ko po!


"G-Ganun ba?"

"Oo, tsaka ako lang dapat yung nandito k-kasi ako ang nagbabantay sa p-parteng 'to ng gubat."

"S-Sige balik na nga ako dun. Salamat." Muli ko siyang nginitian habang lumuluha tsaka ako dali-daling bumalik sa kotse ni Xeven kung saan naroroon si Marco. Nasa driver's seat siya, natutulog.






---------


Sa wakas ay nakatahan na rin ako sa kaiiyak. Yun nga lang, sumasakit pa rin ang puso ko at hindi na yata 'to matatanggal pa. Habambuhay na akong masasaktan dahil sa nangyari sa'min ni Adam Zein...


Haaay...


Zein...


Mahal naman kita.


Ano pa ba ang kulang?


Tapos bigla kong naalala yung sinabi niyang hindi pala siya naging masaya sa piling ko...

Siguro yun ang dahilan kung bakit ambilis nawala nung pagmamahal niya para sa'kin...


Hopeless na nga yung relasyon namin... Sino pa nga ba kasi ang gugustuhing bumalik sa isang taong ni hindi ka man lang magawang pasayahin?

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now