SHUYIN 17: Saved and Hurt Again

22 4 0
                                    

SHUYIN 17: Saved and Hurt Again



RYEN EVE'S POV:

"Mangako kang wala kang pagsasabihan tungkol sa akin. Yun lang ang hinihingi kong kapalit ng pagligtas ko sa'yo." Seryosong sabi ng lalaking tumulong sa'kin.

Naihatid na niya ako sa estasyong patungo sa Ybragon. Yung kotse niya yung sinakyan namin papunta dito.

Para na yata akong na-trauma kasi panay yung paglingun-lingon sa paligid sa takot na baka nandiyan na naman sina Fyro at Ice...

"S-Sige... Pero...yung pangalan mo—"

"Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako. Ang mahalaga, ligtas ka nang makakabalik sa inyo." Ngumiti siya nang matipid tsaka niya ako pinapasok sa nakabukas na pinto ng tren.

"M-Maraming salamat... Maraming-maraming-maraming salamat..." Yun na lang ang huli kong nasabi sa kanya dahil sumara na yung pinto at tanging ang nakangiting mukha na lang niya ang nasilayan ko.

He mouthed some words but I wasn't able to understand it anymore...

Masyado na yata akong napagod kaya hindi na gumagana nang husto yung utak ko...

Matamlay akong ngumiti nang pabalik sa kanya hanggang sa tuluyan nang umandar at gumalaw yung tren...








-----------


Tulala akong pumasok sa gate. Kahit nga mga guwardiya ng palasyo ng Ybragon ay hindi ko na napansin dahil nakalutang na yata ang utak ko sa ere...

Buti na lang at namukhaan agad nila ako at pinapasok...

Kanina parang okay naman na yung pakiramdam ko, pero ngayon parang sumasama na naman. Parang nahihilo na naman ako at nanlalabo na din nang unti-unti yung paningin ko...

Parang may naramdaman akong kung anong gumalaw sa kamay ko pero pati iyon ay hindi na maproseso ng utak ko kung ano...


Bahala na... Ang mahalaga ay nakabalik na ako dito...


Ang mahalaga, hindi nila nahalatang nawawala ako base sa reaskiyon ng mga kawal na nadaanan ko kanina...


Ang mahalaga, nandito na ulit ako...sa Ybragon...


Pakiramdam ko ang layu-layo na ng nilakad ko... Bigla na lang akong nakaramdam ng sobrang pagkapagod... Parang...gusto ko nang magpahinga...


Pero bago pa man ako makahanap ng uupuan ay nabunggo na lang ako bigla sa isang taong parang estatwang nakatayo sa dadaanan ko.

"S-Sorry..." Wala sa sarili kong imik nang nakayuko pa rin at didiretso na sana ako sa kung saan nagliliwanag ang mga ilaw ng palasyo nang bigla na lang may dumakma sa kaliwang braso ko.

Napahinto ako at napaurong nang konti dahil sa panghihila ng kung sinuman 'to...

Naniningkit ang mga mata ko habang pilit na tinitignan yung mukha niyang malabo pa sa salaming binugahan ng mainit na hangin...

Naniningkit ang mga mata ko habang pilit na tinitignan yung mukha niyang malabo pa sa salaming binugahan ng mainit na hangin

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora