Chapter 3 - Leaving

248 14 3
                                    

Keysi mendoza's POV

"Kilala mo siya anak?" Tanong nung babae kay math

"Nope, hindi ko siya kilala.." Sabi ni math kaya napataas naman ang isang kilay ko sa kanya

"Hindi mo siya kilala? Eh bakit kilala ka niya?" Sabi naman nung papa nila

"Pwede namang kilala niya ko, pero siya hindi ko kilala" Sabi pa ulit ni math at uminom ng juice.. teka! baso ko yung ininuman niya eh! Waaahhh indirect kiss?

"H-Hoy baso ko yan eh ininuman ko na yan" Sabat ko naman

Bigla niya namang nabuga sakin yung iniinom nyang juice! waaahh ano ba yan! Sa mukha ko pa talaga kaya napatayo tuloy ako

nagtawanan naman yung mama at papa niya pati si papa ay nakitawa din, anong nakakatawa dun? binugahan ako? kainis ah nakita ko naman si math na medyo napatawa din pero saglit lang

"Math ano kaba naman? Bakit mo naman binuga sa kanya?" Sabi nung mama niya sa kanya

"Ininuman niya na daw eh" Sabi ni math

"Ituro mo kay keysi yung banyo at ikaw maglagay ng mga gamit niya don sa kwarto niya bilis samahan mo siya ilagay yan sa room niya" Utos naman sa kanya nung mama niya

Naiilang ako kay math waahhh

"Sige na nak sama kana kay math" Sabi naman sakin ni papa

"Sige pa" Sabi ko at ngumiti ako kay papa

Umakyat kami sa taas ni math andaming kwarto di ko alam kung saan don ang kwarto ko nakakatakot naman hindi ako sanay sa malaking bahay eh sa mga napapanood ko kasi sa TV puro malaki ang bahay tapos non may multo

Tinititigan ko naman si math seryoso lang siya nag lalakad ang gwapo niya kahit side view, kinikilig ako ngayon kasi siya may bitbit ng mga gamit ko hehe nakikita ko tuloy muscles niya

pagtapos non ay pumasok kami sa isang kwarto napangnga naman ako

Ang laki ng kwarto! At may aircon! sa loob ay may banyo, first time ko magkaron ng ganito kagandang kwarto! Ang laki ng kama at ang lambot! May malaki pang teddy bear na nakahiga dito.. wait teddy bear? Baka naman may multo dito? Baka may namatay na dito sa kwarto na to?!

"Why?" Tanong ni math habang nilalapag yung mga gamit ko

"W-Wala bang multo dito? hehe" Medyo nahihiyang sabi ko

"Meron" Tipid na sabi niya at tumingin sakin at lalabas na sana siya ng pinto

Meron daw?! Ayoko na dito!

"Meron?! Waaahh ayoko dito mag isa! Wag mo kong iwan prince charming!" Sabi ko sa kanya at nahila ko yung damit niya

"Ano ba! Don't touch me!" Sigaw niya sakin

"Sabi mo may multo dito! Wag moko iwan mag-isa wait lang!" Pagpipilit ko sa kanya

"Ganyan kaba talaga katanga? I'm just joking!" Sabi niya sakin at hinila niya yung damit niya kaya nabitawan ko ito

"Hoy pwede ba wag moko masyadong pinagsasalitaan ng tanga!" Sigaw ko sa kanya nakakainis na to ah!

"Eh anong gusto mo? Stupid?" Sabi niya sakin at bigla siyang ngumisi, aba! Sumu-sobra na talaga siya!

"Ikaw ang stupid!" Syempre di ako magpapatalo kahit na alam kong di naman siya stupid

"Ha! You're really stupid" Inis na sabi niya at lumabas na

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now