Chapter 50 - Selos

162 13 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

"Y-Yes, she's my girlfriend" Walang pag aalinlangang sagot ni math kay jane

napangiti naman yung jane sakin kahit na alam kong nahihirapan na siya sa sitwasyon niya, nakahawak pa din siya sa tiyan niya

"Dadalhin ka namin sa ospital jane, konting tiis nalang ah?" Sabi ko naman

"S-Salamat..." Nakangiti niyang sabi sakin

"Wala yun basta pray lang ng pray" Sabi ko papalakasin ko ang loob niya dahil alam kong masakit din sakanyang mawalan ng baby

"Tama si math, ibang iba ka" Sabi niya pa sakin

Ano? Ano bang kinikwento ni math sa kanila tungkol sakin? Nung una sabi din ni joshua na iba daw ako, ano ako alien? Anak ng puchang math 'to

wala akong masabi kaya namag nginitian ko nalang din siya, maya-maya pa ay nakarating na kami sa hospital, agad agad namin dinala si jane sa emergency room

"M-Math, wag mo 'kong iwan" Naiiyak na sabi ni jane at kumapit ng maigi sa damit ni math

"Hindi kita iiwan" Halos maiyak si math habang sinasabi yun..

Ang sakit naman po, kanina lang ang saya namin ah? Hehe

"Math m-mahal pa din kita" Umiiyak na sabi ni jane

hinawakan naman ni math ang buhok niya at hinalikan siya sa noo, napapikit ako nung kiniss siya ni math, masyadong masakit eh

dinala na siya ng nurse sa emergency room pero nakakapit pa din siya sa damit ni math

"Hindi kita iiwan jane, hihintayin kita rito okay? Dito lang ako.." Sabi pa ulit ni math tapos dahan dahan na siyang binitawan ni jane, simula kanina hindi niya na inalis pa ang tingin niya kay jane, nung makapasok na si jane sa emergency room ay humarap na siya sakin..

"Keysi, you okay?" Tanong niya

Tanga, mukha ba 'kong okay? may pa hindi kita iiwan kapa jan bwiset!

"Oo naman okay lang ako" Walang emosyon kong sabi

"Okay lang ba na hintayin natin siya?"

"Oo, ayos lang"

Ilang oras nalang birthday ko na... Malapit na din mag 12am

"Thank you" Sabi niya, kita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit...

"Math? Mahal mo pa ba siya?" Pilit akong ngumiti pag katapos kong itanong yun

Hindi siya sumagot..... Silence means yes nga diba?

tumango ako at napabuntong hininga masyadong masakit, tama nga yung sabi nila... Kapag sobrang saya daw may kapalit yun na kalungkutan

"Uuwi nalang muna ako, baka kasi hinihintay na 'ko ni papa, uhmm mag co-commute nalang muna ako." Nakangiti kong sabi kahit na sobrang nasasaktan na 'ko at gustong gusto ko ng umiyak

"Alam mong mahal kita" Seryoso niyang sabi

Umiling ako.

"Hindi math, hindi mo 'ko mahal, alam kong napipilitan kalang sakin, alam kong mahal mo si jane, wag na wag mong pipigilan yung tunay na nararamdaman ng puso mo." Seryoso kong sabi at hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha sa magkabilang mata ko

tatalikod na sana ako pero hinila niya 'ko at niyakap

"Ano bang sinasabi mo? Kaya ko yun ginawa kay jane kanina dahil natatakot siya, kaya nga tinatanong kita kanina diba kung okay lang ba sayo, ikaw ang mahal ko keysi, wala na 'kong nararamdaman kay jane... Wala ka bang tiwala sakin?" Naiyak din na sabi niya kaya lalo akong naiyak "Please wag na wag kang iiyak sa harap ko keysi, nasasaktan ako jebal!"

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Donde viven las historias. Descúbrelo ahora