Chapter 1 - Love letter

910 20 3
                                    

Keysi Mendoza's POV

Two years, two years na akong may gusto sa kanya, pero sa loob ng two years na yun hindi ko man lang nasabi sa kanya na gusto ko siya.. Hindi ako nag e-exist sa mundo niya.

*FLASHBACK*

March 27, 2017

Recognition day namin noong araw na yun nakita ko siya sa stage na nag sasalita ng speech niya dahil siya ang valedictorian sa klase nila, sobrang talino kasi niya kaya ang daming nag kakagusto sa kanya dito sa school namin na saint michael's academy, hindi lang siya matalino kundi sobrang gwapo niya din! Half korean kasi siya.

Habang nag sasalita siya sa stage ay feeling ko ay biglang nawala ang lahat ng taong nandon at kaming dalawa lang, napatulala ako sa kagwapuhan niya habang nag sasalita, love at first sight.. Ayun ba ang tawag don? Oo, yun ang nangyari sakin noong araw na yun..

Pagkatapos niyang mag salita sa harap ay nagpalakpakan ang mga tao kaya naman pumalakpak na din ako habang nakangiting nakatingin sa kanya, siya naman ay seryosong naglakad papunta sa upuan niya. Ang totoo niyan hindi ko pa siya nakikitang ngumingiti parati siyang seryoso at walang emosyon, minsan tinitignan ko siya sa malayo at nakikita kong madaming babae ang naghahabol sa kanya ang iba ay nag bibigay pa ng mga mamahaling bagay at mga love letters pero lahat ng yun ay wala man lang siyang tinatanggap kahit isa. Ang sabi niya kasi nun ay 'Hindi ako interesado sa mga tao'

Parang ang laki naman ng galit niya sa mga tao..

Nung araw na yun ay balak ko sanang mag congrats sa kanya pero pinigilan ako ng kaibigan ko na si grace..

"Hindi ka niya mapapansin keysi masyado siyang famous ano kaba, tara na.." Sabi niya

Kaya naman malungkot akong naglakad palabas ng pintuan pero bago kami makalabas ay humarap ulit ako sa lalaking gusto ko at laking gulat ko ng magtama ang paningin namin! Napatulala ako sa kanya feeling ko nag slow motion ang paligid..

dug. dug. dug. dug (tibok ng puso yan hehe)

Dadaan siya sa harap ko! Habang naglalakad siya ay nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya, ang gwapo niya...

Nang nasa harap ko na siya ay huminto siya sa harap ko at walang emosyon na nakatingin sakin, ako naman ay parang tanga na napatulala sa kanya, hindi ko magalaw ang buong katawan ko, totoo ba to? Ang lapit ko sa kanya? Napasampal ako sa sarili ko dahil baka nananaginip lang ako o nag iimagine pero masakit eh.

nakita ko naman na medyo napangiti siya pero as in sobrang konting ngiti lang! Pero napansin ko pa din yun totoo ba to? Napangiti siya? OMG ang puso ko sasabog na ata!

"Excuse me..." Walang ganang sabi niya sakin, nag taka naman ako..

"Who's that ugly girl? Bakit ba paharang harang siya sa daanan ni math myloves?!" Sabi nung maarteng babae

OMG! Bakit ngayon ko lang na realize na nasa gitna pala ako ng pintuan at nakaharang nga ako! Jusko po! Kainin na sana ako ng lupa ngayon pleaseeee! Nataranta naman akong umalis bigla don, kaya naman naglakad na si math na parang walang nangyari, na parang hangin lang ako sa kanya waaahh nakakahiya talaga.. Napatakip nalang ako ng mukha sa sobrang hiya dahil nakatingin sakin ng masama yung mga fangirls ni math at yung iba naman ay nagbubulungan pa pero dinig ko pa din!

'Papansin kay math!'

'Parang tanga siya omg hahaha!'

'Gusto lang niya na mapansin siya ni math!'

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now