Chapter 22 - Drunk

169 10 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Nandito kami ngayon nila tita, kumakain kami ngayon, ang saya ko dahil kompleto kami kaso wala si papa kaya naman tinawagan ko siya.

"Papa! Kamusta na?" Tanong ko kay papa at pinakita kila tita at tito si papa nag hello naman sila kaya papa

"Kamusta na jan pare?" Tanong ni tito

"Ayos lang naman dito pare, day off ko nga ngayon eh kaya namasyal kami kanina ng mga kasamahan ko" Masayang sabi ni papa

"Mag ingat ka jan parati pare, wag ka mag alala hindi naman namin pinapabayaan si keysi" Nakangiting sabi ni papa

"Nako oo alam ko naman iyon" Nakangiti din na sabi ni papa

"Jerry kain tayo!" Masayang sabi ni tita

"Nako, sige lang, kumain lang kayo jan" Sabi pa ni papa

Pinakita ko naman kila joshua at math si papa, tumingin lang si math at si josh naman ay kumaway

"Kamusta kayo jan josh at math? Inaaway ba kayo ni keysi jan?" Tanong ni papa kaya naman napatingin ako kay papa, natawa lang siya

"Hindi po! Mabait nga po si noona eh" Nakangiting sabi ni josh sabay kindat sakin kaya naman nginitian ko din siya

Napatingin naman samin si math pero kumain nalang ulit siya

"Oh diba papa? Ang bait ko daw" Sabi ko pa kay papa

"Oh siya sige na, kumakain kayo eh, kumain ka ng kumain jan" Sabi ni papa kaya naman napatango ako

"Sige papa babye! Mwaahh!" Sabi ko kay papa sabay flying kiss ginaya lang ako ni papa pagkatapos non ay pinatay ko na ang cellphone ko

"Miss mo na ang papa mo noh?" Tanong sakin ni tito

"Opo" Pilit na ngiti kong sabi

"Mom! Pasyal tayo sa star city tomorrow!" Masayang sabi ni joshua

Hala star cityyy

"Why josh?" Takang tanong ni tita, bigla naman tumingin sakin si josh

"Wish daw kasi ni noona na makapunta sa star city, hindi pa daw kasi siya nakakapunta don" Sabi ni joshua, tumingin naman sakin si math

"Oh jinjja? I mean really?" Gulat na tanong ni tita sakin

Tumango nalang ako at medyo nahiya

"Sure! Sure! Bukas punta tayong star city" Nakangiting sabi ni tita sakin

"Nako, nakakahiya naman po, baka po may gagawin kayo bukas" Nahihiya pang sabi ko

"No, no wala" Sabi no tita habang umiiling pa

"Salamat po!" Nakangiti kong sabi si tito naman ay nakangiti lang din, napatingin ako kay josh at kumindat na naman siya kaya nginitian ko nalang siya

Omg totoo ba to? Makakapasyal na ko sa dream kong mapuntahan!

pagkatapos namin kumain ay dumeretso na ko sa kwarto ko dahil excited ako bukas, pinilit kong matulog pero hindi ako makatulog kaya naman bumaba muna ako para lagyan ng tubig yung lalagyan ko ng tubig, pagkababa ko ay nagulat ako dahil nandun si math sa table, umiinom ng mountain dew? Ay hindi! Alak ba yun? kulay green eh parang ganun yung mga napapanood ko sa k-drama na iniinom nila..

Teka, bakit umiinom si math? May problema kaya siya?

Kaya naman lumapit ako sa kanya, nakita niya naman ako agad, nung makita niya ko ay nilagyan niya ulit yung baso niya ng alak at ininom ito ng deretso

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Donde viven las historias. Descúbrelo ahora