EPILOGUE

249 16 9
                                    

Math del rosario's POV

Kelan ko nga ba siya unang nakita?

Ah sa library...

Nagbabasa ng libro pero ang librong binabasa niya ay naka baligtad, ano nga bang nagustuhan ko sakanya?

Hindi naman siya ganun katangkad, hindi rin siya ganun ka puti... Hindi rin siya ganun kaganda, pero... CUTE naman siya

*Flashback*

"Math? Anong gusto mo sa babae?" Tanong ng seatmate kong lalake

"Uhm, why?" Walang emosyon kong tanong

"I just want to know" aniya

"Uhmm.. Pretty, tall, sexy and smart.." Seryoso kong sabi

"Woah, si andrea ata ang tinutukoy mo" natatawa niyang sabi

Umiling nalang ako...

lunch break

Habang nag lalakad ako sa hallway ay may mga babaeng nag aabot sa'kin ng mga love letters. Pero hindi ko tinatanggap ang mga 'to, hindi ako interesado sa mga girls..

Hanggang sa may mahagip ang mata ko, isang babaeng maliit pero hindi naman mukhang unano, hindi rin siya ganun kaganda

nakatingin siya sakin habang nakangiti, inalis ko nalang ang tingin ko sakanya... Kilala ko siya, siya yung babae sa library na parateng naka tingin sa'kin.

*end of Flashback*

Matagal ko ng kilala si keysi, matagal ko na rin siyang gusto.. Hindi ko lang talaga pinapahalata sakanya dahil hindi pa nga ako sigurado sa nararamdaman ko.

*Flashback*

"Anak, may titira daw dito sa mansion natin, yung inaanak ko si keysi" Sabi ni dad sakin

"Sinong keysi?" Taka kong tanong habang nag babasa ng libro

"Keysi Mendoza, inaanak ko 'yun, dito muna siya titira pansamantala.."

"Ah.. So?" Walang interes kong sagot

"Be good to her" seryosong sabi ni papa kaya naman tumango nalang ako

Pag ka akyat ko sa kwarto ay hindi ko mapigilang mapangiti, ang liit talaga ng mundo, inaanak pa pala siya ni dad? What a life

*End of flashback*

Matagal ko na siyang gusto, ewan ko ba basta tinamaan ako bigla, tama nga yung sinabi ng iba, once na tinamaan ka ng pana ni kupido wala ka ng magagawa pa..

*Flashback* (dami noh? hahaha)

Nakita ko siya sa labas ng school habang kumakain ng kikiam, kada subo ay napapasayaw pa siya kaya naman natatawa sakanya ang tindero, hindi ko napansin na pati ako ay napatawa na rin..

Anong meron sa babaeng 'to at napapangiti niya 'ko? Tsk

Napa-iling nalang ako habang nag lalakad papunta sa kotse, nandun na si joshua sa loob at nakatingin din siya sa babae tapos naka ngiti din siya

"You know her?" Tanong ko sakanya

"Nope. But i think she's nice" Nakangiti niyang sabi

Pagkasabi niya nun ay napatingin ulit ako sa babae, na keysi ang pangalan.. Nag lakad na siya palayo

Who are you?

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon