Chapter 26 - I hate you math

158 10 2
                                    

Math Del Rosario's POV

Lumabas na ko dahil naiinis na ko don kay keysi, at isa pa nagugutom na ko, pagkalabas ko ng kwarto ay napahinto ako dahil may narinig akong umiiyak na bata kaya naman tinignan ko ito at nakita ko ang batang lalaki na umiiyak at sumisigaw ng "Lolo" bakit naman kaya umiiyak ang batang to?

At dahil gusto ko malaman ay lumapit ako

"Why are u crying?" Tabi ko sa kanya sa upuan napatingin naman siya sakin at nanlaki ang mga mata niya, why? Kilala niya ba ko?

"Artista ka po ba kuya?" Naiiyak pa din na tanong niya, ako? Artista? HAHAHAHA napatawa naman ako sa sinabi niya

"No, i'm not" Sabi ko nalang habang nakangiti

"Pwede ka po bang mag tagalog?" Naka pout na sabi niya, ang cute niya siguro mga nasa 6 or 7 years old palang siya

"Hindi ako artista, pero bakit kaba umiiyak? Anong nangyari? Where's your parent?" Sunod sunod na tanong ko, nagulat naman ako dahil naiyak na naman siya kaya naman hinagod hagod ko ang likod niya "Shhh don't cry.." Sabi ko nalang para tumahan na siya

"May sakit po kasi ang lolo ko, sabi niya gusto niya nalang daw mamatay kasi nahihirapan na siya, ayoko po nun kasi mahal na mahal ko po si lolo siya po kasi ang nag alaga sakin simula pa nung baby ako" Naiiyak na sabi niya sakin at tumingin sakin ng malungkot, bigla naman akong naka ramdam ng awa sa kanya dahil parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung araw na mamatay si lolo pero sa ngayon gusto kong palakasin ang loob ng bata na to, naalala ko yung sinabi sakin ni keysi nung nasa simbahan kami

"Ano bang pangalan mo bata?" Nakangiti kong tanong

"Andrei po" sabi niya at ngumiti din siya sakin pero hindi masayang ngiti kundi malungkot

"Nice name" Nakangiti kong sabi sa kanya at inilabas ko ang lollipop na nasa bulsa ko pa simula kagabi dahil binili koto sa star city kagabi "Sayo nalang, tingin ko kailangan mo yan" Sabi ko at masaya niya namang kinuha pero bago ko ibigay sa kanya ay binuksan ko muna yung lollipop

"Thank you po kuyang pogi! Sana pag laki ko ganyan din ako ka pogi!" Nakangiti niyang sabi napangiti naman ako ng sobra sa sinabi niya, masyado siyang gwapong gwapo sakin hahaha

"Don't worry gagaling din yung lolo mo, all you have to do is pray, and everything will be okay.." Nakangiting kong sabi at nginitian lang din ako nung bata, nahagip naman ng mata ko si keysi na nakatingin samin, aish tinataguan ko nga tong stupid girl na to dahil ang ingay ingay niya eh, eto na nga, lumapit siya samin

"Wow naman! Si math ba ang nag bigay sayo nyan?" Nakangiting tanong ni keysi sa bata, tsk napaka epal talaga kahit kelan, nakita ko namang napatingin sakin si andrei kaya naman nginitian ko lang siya

"Siya po ba yung tinutukoy niyo? Si kuyang pogi?" Sabi ni andrei at turo sakin

"Ah oo! Math ang pangalan niyan, buti hindi siya nag sungit sayo? hehe nga pala ako si ate keysi" Nakangiti pa din niyang sabi

"Mabait naman po si kuyang pogi eh, pero ikaw po ba ang girlfriend ni kuyang pogi?" Tanong ni andrei kaya gulat akong tumingin sa kanya, nakita ko namang nagulat din si keysi dahil nanlaki pa ang mata niya sabay tingin sakin tss

"ha? Eh? H-hindi ak-" Pinutol ko yung sasabihin niya at sinabi kong

"Oo siya ang girlfriend ko" Sabi ko at ngumiti ako sa bata, kitang kita ko naman ang gulat na reaksyon ni stupid girl hahaha

"Wow! Ang cute naman po ng girlfriend niyo kuya, akala ko po kasi 10 years old palang siya dahil sa mukha niya" Nakangiting sabi ni andrei natawa naman ako sa sinabi niya si keysi naman ay napasimangot

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon