Chapter 8 - Joshua

179 12 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

"Is that keysi and nathan? Ano ginagawa nila?" Nadinig kong tanong nung andrea kay math

"Who cares?" Sabi naman ni math kaya naman binilisan ko na lakad ko at naglako na nga kami ni nathan ng ice cream

oo nga naman ano bang pake niya diba?

pagkatapos kong tulungan si nathan ay nilibre niya ko ng milktea dahil daw sa pagtulong ko sa kanya

"Goodluck satin bukas nathan" Nakangiting sabi ko sa kanya

"Goodluck satin haha pakopya keysi ah?" Natatawang sabi ni nathan sabay inom ng milktea niya

"Wala ka namang makokopyahan sakin eh, wala din akong sagot hahaha" Natatawang sabi ko din

"Hahaha sabay sabay tayong babagsak" Sabi niya kaya naman natawa din ako

Pagkatapos non ay umuwi na ko

"Oh nandito kana pala keysi" Sabi sakin ni tita kaya naman napatayo siya at sinalubong ako

"Pasensya na po at ngayon lang nakauwi" Sabi ko

"Ayos lang keysi, nakapag review kana ba? Kasi exam na bukas." Sabi niya sakin

"Ah mag rereview na po ako" Sabi ko pagkatapos non ay umakyat na ko sa kwarto

pero bago ako pumasok sa kwarto ay napatingin ako sa pinto ni math, nagulat naman ako dahil bumukas ang pinto ni josh at parang namomroblema

"Oy josh anong problema?" Pagtatanong ko dito

"None of your business!" sigaw niya sakin at nainis naman ako don sa pagsigaw niya! Wala siyang galang sakin! mas matanda ako sa kanya!

"Ano ka bang bata ka?! Wala kaba talagang galang sa matatanda?! Mas matanda ako sayo! bakit ganyan kaba sakin?! Ano bang ginawa ko sayo?!" Inis na sigaw ko sa kanya kaya naman sinamaan niya ko ng tingin nakita kong bumukas ang pinto ni math at magkasalubong ang dalawang kilay na tumitingin saming dalawa ni josh

"What's happening here?!" Nag-aalalang tanong ni tita samin

"Yan po eh! Si joshua parati nalang akong inaaway ng bata na yan parate niyang sinasabi na ang tanga tanga ko! Alam ko naman po na tanga ako eh pero hindi niya naman kailangan pang sabihin yun ng paulit ulit, ang sakit sakit niya pong mag salita eh, di ko naman po siya inaano.. Alam ko pong bata siya at hindi na dapat pang patulan kaso po sobra na eh.. Pasensya na po ah?" Umiiyak na sabi ko

Naging malungkot naman ang mukha ni tita nakita ko naman si math na deretsong nakatingin lang sakin kaya pinunasan ko ang luha ko

nakita ko naman yung josh na parang naiiyak din pero masama pa din ang tingin sakin

"Josh you need to apologize to your ate" sabi ni tita kay josh si josh naman ay umiling at tumakbo sa kwarto niya

"Joshua!" galit na sigaw ni tita

pupuntahan na sana ni tita si josh pero pinigilan ko sabi ko na okay lang at kakausapin ko nalang si joshua bukas..

"Pasensya kana sa anak ko, ganun talaga yung bata na yun masyadong pasaway.." Sabi ni tita at hinawakan pa ang kamay ko

"Ayos lang po tita" pilit na ngiting sabi ko

"Hayaan mo nalang si josh" biglang sabat naman ni math

tumango nalang ako at pumunta na ko sa kwarto ko pero ilang saglit pa ay pumasok si math sa kwarto ko kaya naman napatayo ako sa pag kakahiga ko..

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Kde žijí příběhy. Začni objevovat