Chapter 40 - Mathematics forever nakakainis

161 14 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Nandito kami ngayon ni math nag lalakad pa rin, nasa labas na kami ng sementeryo

"Math? Wala kang dalang kotse?" Taka kong tanong dahil hindi ko makita ang kotse niya

"Wala" Sabi niya sabay iling

"Paano ka nakapunta dito?"

"Nag jeep ako" Medyo natatawa pa niyang sabi..

Whuuut? Nag jeep? Si math? Seryoso ba ituu?

"Weh?" Hindi maka paniwalang tanong ko

"Oo nga"

"Ah akala ko lumipad ka eh" Biro ko naman pero di na naman siya natawa, buset "Ay oo nga pala bakit sinabi mo kay manong na girlfriend mo ako?"

"Bakit? Ayaw mo ba?" Tanong niya sakin

"Gusto, pero kasi... Hindi mo naman talaga ako girlfriend eh" Bakit totoo naman ah? Hindi niya naman talaga ako girlfriend

"Para sakin girlfriend kita eh" Biglang sabi ni math at nilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa niya at binilisan ang lakad, napahinto ako sa paglalakad nung sinabi niya yun.. Kaya naman hinabol ko siya

"O-Oy! Anong sabi mo? Bakit? G-Gusto mo ba ko math?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko, inilapit niya naman ang ulo niya sakin kaya naduling ako sa sobrang lapit niya

"Secret, sekretong malupet" Naka smirk na sabi niya at lumayo na... What theeee

sinundan ko nalang si math kung saan siya pupunta, bigla naman siyang huminto sa nag titinda ng mga treet foods yung may kikiam at fishball

"Pabili nga po" Sabi ni math sa tindero at kumuha na ng lalagyan at stick... "Gusto mo?" Tanong niya sakin kaya tumango ako

"Favorite mo ang kikiam ah?" Sabi ko sakanya

"Oo kasi favorite mo rin to diba?" Nakangiti niyang tanong sakin... Paano niya nalaman? jusme

"Ah oo, pano mo nalaman math?" Tanong ko, kasi dati pa yung huli kong kain ng kikiam, hindi pa ko kilala ni math nun, sa labas ng school kasi may tinda.. kaya doon ako parateng kumakain

"Basta wag kana mag tanong" Sabi nalang niya kaya naman tumango nalang ako at kumuha ng kikiam tapos fishball na rin

Maya maya pa ay sumakay na din kami ng jeep at nakauwi ng maayos... Wala ng mga holdaper hehe

bahay...

"Matulog kana" Sabi ni math sakin nung nasa taas na kami ng bahay nila

"Oo, ikaw din"

"Ahm stupid girl" Tawag pa niya sakin, papasok na sana ako sa kwarto ko eh

"Oh?"

"Kung sakaling liligawan ba kita, sasagutin mo ko agad?"

Nabigla naman ako sa tanong niya na yun! Kaya hindi ko alam ang isasagot ko, bakit? Gusto niya ba kong ligawan?

"Aish, wala, nevermind..." umiiling pa niyang sabi tapos papasok na sana ulit siya sa kwarto niya pero nag salita ako

"Oo naman math, sasagutin kita agad.. Mahal na kita eh." Walang ligoy ligoy na sabi ko

"M-Mahal mo na ko?" Nautal pang tanong niya, bakit hindi ba halata sakanya? Manhid talaga si mathematics

"Oo, hindi paba halata?"

Nakita ko naman siya na parang napangiti... Napangiti nga ba talaga si math?

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Kde žijí příběhy. Začni objevovat