Chapter 25 - Flashback

155 10 0
                                    

Nathan Fermantez POV

Hello sainyo ako nga pala yung kaibigan ni keysi simula grade 8, nasa hospital pa din kami ngayon dahil nga nabaril si papa.. Tulog pa din si keysi, si math naman ay nasa banyo, binabantayan ko pa din si papa dahil nag aalala talaga ako sa kanya.

*Flashback*

"Pa, kapag ba mag luluto ng adobo kelangan talagang may paminta? Nakakain ko eh"

Kausap ko ngayon si papa habang nag lalakad kami sa palengke para bumili sa palengke ng manok dahil magluluto daw siya ng adobo, ulam namin

"Pwede rin naman kung ayaw mo lagyan ng paminta" Sabi ni papa habang tumitingin ng manok

"Wag nalang natin lagyan pa" Sabi ko kay papa

"Sige wag na, basta parati mong tatandaan kapag mag luluto ka dapat ibuhos mo lahat ng pagmamahal mo, magluto ka gamit ang puso para maging masarap ang kalalabasan.." Sabi ni papa, pagkasabi nun ni papa ay nagulat nalang ako ng biglang may motor na huminto sa harap namin at nagulat nalang ako ng bigla itong nag labas ng baril!

Pagkatapos non ay hindi ko na alam ang gagawin, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pakiramdam ko ay nabingi ako, nabingi ako sa lakas ng putok ng baril na tumama sa katawan ng tatay ko. Nagsitakbuhan ang mga tao habang tumitili, bigla nalang bumagsak ang katawan ni papa kaya naman tinawag ko siya habang naiiyak, anong gagawin ko? Bakit?

Bigla na namang tinutok ng lalaki ang baril niya sakin pero agad akong tumayo at umilag pagkatapos non ay nakita ko na silang pina-andar ang motor, gusto ko silang habulin pero wala akong lakas, nanghihina ako, nilapitan ko ulit si papa

"Anak.." Sabi lang ni papa habang nanghihina na siya, naiyak ako lalo at humingi na ko ng tulong sa mga tao.

Maya-maya pa ay dumating na ang ambulansya, sinakay na siya sa loob at sinuotan ng oxygen naiiyak pa din ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Hanggang sa napunta na kami sa ospital dinala siya sa loob at naiwan ako sa labas kaya naman kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si keysi, kelangan ko siya ngayon.. Kelangan ko si keysi.

*End of flashback*

"Nathan? Ayos kalang ba?" Tanong ni keysi sakin habang inaabutan ako ng kape at sky flakes, gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako okay, pero ayokong mag alala pa siya

"Oo naman" Nakangiti kong tugon at kinuha sa kanya ang inaabot niya

"Pinapunta ko si grace, sinabi ko sa kanya yung nangyari kaya hintayin natin siya" Sabi ni keysi habang naka ngiti

Si math naman ay seryoso lang na nakatingin samin habang umiinom din ng kape at sabay tingin sa cellphone niya

"Sige, hintayin natin siya" Sabi ko nalang din.. Buti nalang talaga at may mga kaibigan akong kagaya nila, sobrang swerte ko sakanila, lalo na kay keysi siya yung taong nagpapalakas parate ng loob ko sa tuwing pinanghihinaan ako, siya yung parating nag papasaya sakin sa tuwing malungkot ako, kaya sobrang saya ko at nakilala ko ang kagaya niya...

Keysi Mendoza's POV

Tinext ko si grace sa nangyari nga sa papa ni nathan at syempre nagulat din siya kaya naman ayun nag mamadaling pumunta dito hindi na nga daw siya kakain dahil gusto niya na daw agad pumunta, maya maya pa ay may kumatok na nga sa pinto kaya naman sabay sabay pa kaming napatayong tatlo

"Ako na mag bubukas" Sabi ni nathan dahil siya yung pinaka malapit sa pinto

"Nathan!!! Omg!! Anong nangyari?!" Natatarantang tanong ni grace habang patingin tingin pa sa paligid, jusko po napaka OA talaga netong babaeng to konti nalang talaga pwede na siyang maging sisa sa noli me tangere

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon