Chapter 44 - Luneta part 2

139 13 1
                                    

Keysi Mendoza's POV

"Buset ka!" Sigaw ko sakanya dahil naiinis ako sa kanya, nandito pa din kami sa harap ng rebulto ni dr. jose rizal

"Wait, look!" Biglang sabi ni math at tinuro yung kalesa na dumadaan sa kalsada

"Oh ano? Ngayon kalang nakakita ng ganyan?"

"Yup.. Gusto ko sumakay dun!" Masayang sabi niya at tinuro yung kalesa na parang batang nag papabili ng lollipop

"Sige sasakay tayo, pero ambagan ha, may bayad kasi yan eh at isa pa kalesa ang tawag jan" Sabi ko sabay turo sa kalesa

"I know.. Tara sakay tayo" Excited na sabi niya sabay hila sakin papunta doon sa pila ng mga kalesa, ano ba naman to... Sabagay first time niya kasi eh

Parang ibang mathematics ang kasama ko ngayon... Ang hyper niya at parati na siyang naka ngiti, dati kasi nung hindi pa ko nag e-exist sa mundo niya sobrang cold niya sa mga tao tapos ang savage niya mag salita, tahimik lang din siya at sobrang misteryoso, kahit kelan hindi ko siya nakitang ngumiti noon... Pero ngayon habang tinitignan ko si math habang nag lalakad kami papunta sa kalesa sobrang lawak ng ngiti niya... Ang sarap sa eyes

"Magkano po manong?" Tanong ko doon sa lalaking naka upo sa harap

"50 isang tao" Sabi nung lalaki

"Dalawa ho" Sabi naman ni math at inabot ang isang daan kay manong

"Akala ko ba ambagan?" Tanong ko kay math habang umaakyat ako sa kalesa

"Libre ko na!" masaya niyang sabi habang umaakyat, pag ka upo namin ay agad niyang kinuha ang camera niya at pinicturan yung kabayo habang pinapalo ni manong, sunod naman ay sakin niya itinapat yung camera kaya naman nag wacky ako, nag duling ako ng mata at dumila

Natawa naman agad si math kaya natawa na din ako, inikot namin ang buong luneta, nakita ko naman si math na tuwang tuwa

"First time kong sumakay dito..... Kasama ka" Nakangiti niyang sabi sakin

"Masaya kaba math?"

"Sobra, ngayon ko lang to naranasan keysi, thank you so much.." Sabi niya at binigyan ako ng matamis na ngiti

Nginitian ko rin siya, nabigla naman ako sa bigla niyang pag hawak sa kamay ko...

"Picture tayo!" Masaya niyang sabi at nilabas ang cellphone niya, pagtapos nag picture kami

"Math? Mamimiss mo ba ko kung sakaling aalis na ko sa bahay niyo pag dating ni papa?" Seryoso ko namang tanong sakanya, bigla naman nawala ang ngiti niya kanina at napalitan ito ng blankong emosyon... Wrong timing naman ata yung tanong ko

"Ewan... Basta" Parang naiilang niyang sagot at ginulo niya ang buhok niya

"Okay hahaha, tignan mo yun math oh! Punta tayo mamaya doon sa may fountain na sumasayaw ah?" Masaya ko pang sabi nung madaanan namin yung fountain

"Sure" Tipid niyang sabi at itinuloy niya nalang yung pag picture niya sa tanawin




Fast forward

time check 7:40 pm

Nandito kami ni math ngayon naka upo sa damuhan habang pinapanood ang fountain.. Bigla namang tumugtog yung song na "Ikaw at ako" Ni moira at nung asawa niya kasabay nung fountain na sumasayaw

'Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling, at nung dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli ang pag-asang nahanap ko sa iyong mga mata at ang takot kung sakali mang ika'y mawawala'

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now