Chapter 33 - Rest

170 16 4
                                    

Nathan Fermantez POV

Nandito kami ngayon ni grace sa ospital, gising na si papa at pinapakain ko ng lugaw, si grace naman ayun nag ce-cellphone

"Grace? Umuwi kana kaya? Anong oras na oh? Hindi kapa ba hinahanap ng magulang mo?" Tanong ko kay grace kaya napatingin siya sakin

"Okay lang nathan, nag paalam ako kila mom kagabi pa, kaya okay lang yun.. Samahan nalang muna kita dito" Naka ngiti niyang sabi at kinindatan pa ko

"Salamat iha at sinasamahan mo ang anak ko" Sabi naman ni papa

"Nako, no worries po kuya tonton" Naka ngiti niyang sabi.. Ang bait din talaga nito ni grace, tapos ang ganda pa niya.

bigla naman tumunog yung cellphone niya kaya naman sumenyas siya na lalabas muna para sagutin yung tumatawag, tumango lang ako..

"Papa ano? Kamusta? Okay naba pakiramdam mo?" Tanong ko kay papa habang umiinom siya ng tubig

"Oo anak, wag kanang mag alala sakin, atsaka kapag magaling na magaling na ko, mag iipon tayo babayaran natin sila sa binayad nila dito.. Sobrang laking tulong ng ginawa nila.." Sabi ni papa

"Opo pa, babayaran natin sila" Nakangiti kong sabi, bigla naman pumasok sa loob si grace at parang namumutla na ewan

"Uy ano problema?" Nag aalala kong tanong

"S-Si.. Sila math at keysi na holdap daw sila sa jeep!" Biglang sabi ni grace kaya naman napatayo ako bigla

"Ano?! Kamusta? K-Kamusta si keysi? S-Sila?!"

Shit natataranta ako may phobia na ko sa ganitong pangyayari

"Okay na sila nathan! Wag kana mag-alala, kalma lang.. Nahuli na din daw yung mga holdaper sabi ni math.." Medyo mahinahong sabi ni grace kaya nakahinga ako ng maluwag at napa upo

"W-Wait, si keysi? Okay lang ba?" Tanong ko pa ulit, syempre sinisiguro kong okay si keysi

"Nawalan daw ng malay si keysi" Pagkasabi nun ni grace ay napatayo ulit ako

"ANO?! EH ASAN SIYA NGAYON?!" Medyo malakas na tanong ko

"Kalma lang nathan okay? Dinala siya ni math sa mansion nila at tumawag nalang si math ng doctor, okay na daw ngayon si keysi at gumising na din" Sabi ni grace kaya naka hinga ulit ako ng maluwag

"Ahh okay, buti naman" Mahinahon kong sabi

"Buti hindi sila pinatay, iba pa naman ang panahon ngayon...Marami ng masasamang tao na basta basta nalang pumapatay ng kapwa nila na akala mo langgam lang ang pinatay.." Biglang sabi ni papa

"Kaya nga po eh" Sabay na sabi namin ni grace

Totoo yung sinabi ni papa, sa panahon ngayon masyado ng iba ang mga tao... May mga pumapatay ng kapwa nila na akala mo isang insekto lang ang pinatay nila basta makuha lang nila ang gusto nilang kunin, wala silang pakealam sa buhay ng tao. Pero alam kong lahat ng to matatapos din, may parusa rin silang matatanggap pagdating ng araw...



Keysi Mendoza's POV

Ano nga ba ulit ang nangyari? May mga masasamang tao sa loob ng jeep na sinasakyan namin ni math, sunod nahimatay ako?

"Okay naba siya doc?" Nag-aalalang tanong ni tita sa doctor, sa tabi niya ay nandun si joshua at si tito, si math ay nasa tabi ko malapit

"Yes, she's fine now" Sabi lang nung babaeng doctor at may pinag usapan pa sila pero hindi na ko nakinig, inisip ko lang yung nangyari kanina, napatingin ako sa orasan 2am na pala... Hindi ako makakapasok sa school mamayang 5am dahil medyo nahihilo pa ko

"Keysi ang papa mo tumatawag, sinabi ko kasi sakanya yung nangyari" Biglang sabi ni tito habang inaabot sakin yung cellphone niya, kaya naman kinuha ko ito, nung makita ko ang mukha ni papa na nag-aalala ay hindi ko napigilan ang sarili kong maluha, naiiyak ako, namimiss ko si papa...

"Anak? Ano? Kamusta ka? Ayos kalang ba? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo ha? Uuwi na ba ako jan?" Sunod sunod na tanong ni papa at halata sa tono ng boses niyang nag aalala siya

"P-Pa, ayos na ko, huwag ka nang mag alala pa, nahimatay lang ako pero ayos na ko! Ang lakas lakas ko na nga oh!" Sabi ko at umupo ako, kahit naramdaman kong nahihilo ako ay hindi ko ito ininda dahil ayokong mag alala si papa, ngumiti ako para malaman niyang okay lang ako

"Talaga? Sure kaba anak?" Tanong pa ulit ni papa

"Opo pa! Kumain kana ba papa?" Tanong ko kasi parang pumapayat ata si papa

"Oo kumain na ko kanina pa, ikaw kumain kana ba?" Tanong ni papa

"Opo papa, wag kanang mag aalala sakin ah? Ayos na po ako papa" Sabi ko pa sabay thumbs up

"Oo anak, basta kung may problema ka man, nandito lang si papa ah?" Nakangiting sabi ni papa kaya ngumiti rin ako, pinipigilan kong maiyak

"O-opo papa, i love you papa" Sabi ko at tumulo yung luha sa mata ko kaya inalis ko yung camera sa mukha ko at tinapat ko sa kisame tapos pinunasan ko ang luha ko, nakita ni math yun, nakita ko si math na parang ang lungkot ng mga mata niya kaya naman nginitian ko siya kahit na naiiyak ako, nginitian niya rin ako... simpleng ngiti lang yung ginawa niya pero sapat na yun para sumaya ako

binalik ko yung camera sa mukha ko

"I love you too anak" Sabi ni papa

"Sige na papa, bukas nalang ulit" Paalam ko na kay papa

"Sige anak, magpahinga kana, bukas ulit ah" Sabi ni papa kaya tumango ako at ngumiti "Opo papa" Sabi ko nalang at pinatay niya na yung tawag

Pagkatapos nun ay binigay ko na kay tito yung cellphone niya

"Napaka sweet mo naman sa papa mo" Nakangiting sabi ni tito si tita naman ay naiyak

grabe naman, drama ba to? Akala ko ba comedy waahh

"Mag pahinga kana ulit keysi ha? Huwag kana muna pumasok tomorrow" Sabi ni tita at niyakap pa ko, lumabas na sila sa kwarto, maliban kay math at joshua

"Get well noona, saranghae" Biglang sabi ni joshua sakin alam ko na yung meaning nang sinabi niya kaya napangiti ako mag sasalita pa sana ako pero bigla na siyang tumakbo palabas.. Kaya ayun naiwan kami ni math dito sa kwarto ko

"Okay kana ba?" Biglang tanong ni math, si math pala ang nag buhat sakin nung hinimatay ako, paano kayang buhat yung ginawa niya? Yung pang kasal ba? O yung parang nag bubuhat lang siya ng isang kilong bigas? Gusto ko sana itanong kaso wag nalang

"Oo okay na ko"

"Gusto mo bang kumain?" tanong niya, umiling lang ako

"Busog ako, tsaka gusto ko na matulog ulit kasi sa totoo lang medyo nahihilo pa ko" Sabi ko kay math

"Mag pahinga kana, bukas nalang ulit" Sabi ni math at inayos niya yung unan ko at inalalayan pa kong mahiga, sana ganito nalang pala ako parate hahaha joke...

"Salamat math, i love you, este goodnight!" Natataranta kong sabi! Jusko etong bibig ko masyadong honest! Nag talukbong na ko ng kumot, wala na kong naririnig so baka lumabas na yun si math sa kwarto ko, inalis ko yung kumot sa mukha ko at nagulat naman ako dahil nasa harap ko si math! Muntik na kami mag kiss jusme! Ang lapit niya kaya natulak ko tuloy siya

"Sorry math! Nakaka gulat ka naman eh!" Sabi ko sa kanya

"It's okay, by the way, morning na kaya psh goodnight kapa jan" Medyo natatawa niyang sabi at lumabas na siya sa kwarto ko.. Oo nga noh? Morning na nga pala, tanga tanga keysi..

***********
Author's note:
Pasensya na po at maikli lang yung chapter 33 dahil inaantok na po ako HAHAHA

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now