Chapter 42 - Pag-amin

150 11 1
                                    

Keysi Mendoza's POV

Sa pag akyat ko sa taas nila ay hindi ko mapigilang mapangiti nung napadaan ako sa kwarto ni math... umuwi na yung lola ni math pero bago siya umalis ay may sinabi at binigay siya kay math pero hindi ko na alam, si nathan din ay umuwi na..

Habang nakangiti ako sa harap ng kwarto ni math ay bigla itong bumukas kaya nagulat ako!

"Ay kalabaw!" Gulat kong sabi

"What are you doing here?" Masungit niyang tanong

"Ahhh, wala lang hehe" Nahihiya kong sabi

Hindi naman siya makatingin ng maayos sakin at ginulo gulo niya yung buhok niya at bigla ng pumasok sa loob ng kwarto niya.. Ano ba yun? Ang gulo niya..

Pero ilang segundo lang ang lumipas lumabas ulit siya tumingin siya sakin pero iniwas niya agad yung tingin niya sakin

"Stupid girl!" Bigla niyang sabi kaya naman napatingin ako sakanya, ano bang problema ni mathematics? Ang weird niya ah

"Oh?" Tanong ko nalang

"Chowahae..."

Ha? Ano daw? jowa? Ay chowking?

"Ano? Chowking? Gutom kaba math? Anong oras na gusto mo pa sa chowking?"

Bigla naman siyang natawa sa tanong ko, ano bang trip neto? Naka drugs ba siya at ganyan siya?

"Nag shabu kaba math?" Tanong ko pa ulit sa kanya, napa iling naman siya agad

"I said chowahae, it means i like you.... Engot" Natatawa pa niyang sabi

"Eh engot ka rin! Bakit ba kasi nag ko-korean ka? Eh hindi naman ako koreana!"

"Talagang hindi ka magiging koreana, walang morena sa korea karamihan maputi at sexy..." Sabi niya pa at lumapit sakin

Abaaaaa sapakin ko kaya to kahit ngayong gabi lang? Grabe na siya eh, pero wait... Anong sabi niya kanina? I like you? Me? As in me myself and i? He likes me? Oh my gulay! Prutas! Karne! Lahat na ng pagkain!

"Pero, seryoso kaba sa sinabi mo? Gusto mo ko?" Tanong ko pa, lumapit naman siya sakin at hinawakan pa ang balikat ko at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya naman napa atras ako

"Mukha ba kong nag bibiro ha?"

"Eh diba sabi mo mahal mo pa ex mo?" Tanong ko dahilan para maging seryoso ang mukha niya at tumayo na ng tuwid

"Nandun kaba talaga sa reve mall noon? Narinig mo ba yung sinabi ko kay jane sa parking lot? Sabi ko may nagugustuhan na kong ibang babae at ikaw yung tinutukoy ko dun.."

What the! Hindi ko alam ang sasabihin ko! Parang biglang nag laho yung dila ko, nalunok ko na ata

naging tahimik yung paligid parehas kaming hindi makatingin sa isa't-isa, hindi rin makapagsalita, hindi ko na keri!

"Uhm.." Yun lang nasabi ko kaya napatingin sakin si math

"Ehh? Aish! Basta alam mo na!" Parang nahihiya niyang sabi at ginulo pa ang buhok niya tapos pumasok na siya agad sa kwarto niya

Ako naman ay natulala pa saglit dahil hindi pa nag pa-function sa utak ko yung mga pangyayari at sinabi niya, Loading....

Waaahhhhh! May gusto talaga siya sakin?! Seryoso ba to? Nananaginip ba ko? Totoo ba to? Wag na wag niyo na kong gigisingin kung sakali mang nananaginip ako ah!

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang