Chapter 48 - Kilig moments

148 11 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Makalipas ang ilang araw ay hindi pa din ako maka move on sa sinabi ni math saakin, kilig na kilig ako araw-araw, bukas na ang birthday ko at hindi ko alam kung bakit ako excited, debut ko na kasi

"Papa, debut ko na bukas feeling ko talaga maiiyak ako" Sabi ko kay papa, nandito kami ngayon ni papa sa isang maliit na park malapit dito sa mansion nila math

"Naka pag ipon ako para sa debut ko, 18 kana anak sana nandito ang mama mo.." Pilit na ngiti ang pinakita niya sakin

Namimiss ko na din si mama sana nga nandito siya sa tabi namin ni papa sana nandito si mama ngayong debut ko, sayang at hindi niya ako naabutang maging dalaga, sayang at hindi ko napakilala sakanya si math

"Miss ko na rin si mama" malungkot kong sabi

"Kahit wala dito ang mama mo tingin ko nakikita niya tayo kahit na wala siya dito, siguro sobrang saya nun sa langit" nginitian ako ni papa kaya naman sabay kaming napatingin sa langit

May alala na naman sa isipan ko ang bumabalik habang naka tingin ako sa kalangitan

*FLASHBACK*

'Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ Happy birthday, happy birthday, happy birthday baby keysi~ 🎶'

Kanta nila mama at papa sakin habang hawak nila ang simpleng maliit na cake na may isang kandila, 8 years old ako nun, simple lang parati ang birthday ko, minsan nga hindi pa kami nag hahanda pinapasyal lang nila ako sa luneta o kaya naman sa simpleng park lang para makapag laro

'Anong wish mo anak?' Tanong ni mama saakin

Ano nga bang wish ko? Wish ko lang naman na sana makasama ko sila mama at papa hanggang sa maging isang ganap na chef ako balang araw, pagkatapos mag ta-travel kaming tatlo sa iba't-ibang parte ng mundo.. Gusto ko sila ang makasama ko, kaso... Umalis agad si mama eh, iniwan niya kami agad

'Wish ko mama sana travel tayo nila papa sa ibang bansa pag laki ko!' Masaya kong sabi sabay blow ng kandila

'Wow naman! Ang ganda naman ng wish ng baby namin! Tutuparin natin yan!' Masayang sabi ni papa

'Tama tutuparin natin yan mag pupunta pa tayong disneyland!' Nakangiting sabi ni mama at pumalakpak pa

Pagkatapos nun ay niyakap nila akong dalawa kaya naman sobrang tuwa ko noong araw na yun, para sakin? Yun ang pinaka masayang birthday na nangyari sakin, noong nag 9 ako hindi kami nag handa simula noong namatay si mama hindi na ako nag hahanda ng birthday ko...

*END OF FLASHBACK*

Natigilan ako sa pag tingin sa langit dahil naramdaman kong pinunasan ni papa ang tumulong luha sa mag kabilang pisngi ko.. Miss na miss ko na talaga ang mama ko gusto ko ulit maramdaman ang pagmamahal niya, yung yakap niya.

"Tahan na anak.." Sabi ni papa tapos niyakap ako

"Miss ko na si mama, pa" Mahina kong sabi habang naiiyak

"Ako rin miss ko na ang mama mo, pero sige ka malulungkot yun kapag nakita ka niyang umiiyak ng ganyan, dapat maging masaya ka dahil birthday muna bukas.. Ayoko ring nakikita kang umiiyak" Sabi ni papa habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko, para akong bata ngayon na inagawan ng candy ng kalaro

niyakap ko si papa kaya naman niyakap niya din ako ng mahigpit, habang yakap ko si papa ay nakita ko si math! Nasa likod pala namin siya

Anong ginagawa niya dito?

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें