Chapter 43 - Luneta

170 14 1
                                    

Keysi Mendoza's POV

"Mag ayos ka nga stupid girl, lalabas tayo..."

Waaahhhh! Lalabas kami! Totoo ba to? Saan naman kaya kami pupunta?

"Go ahead keysi, maghanda kana dali" Excited na sabi ni tita at tinulak tulak pa ko kaya naman umakyat na ko sa taas kasabay ni math

"Saan tayo pupunta math?" Tanong ko sakanya nung nag lalakad na kami papunta sa kanya kanya naming kwarto

"Saan mo ba gusto mamasyal?" Tanong niya pero hindi siya nakatingin sakin

"Mamasyal? hmm" Nag iisip ko pang sabi, kung ganun papasyal pala kami, ah! Alam ko na! "Pwede ba tayong mag punta sa luneta?" Masaya kong tanong

Nakakamiss kasi pumunta ng luneta last na punta ko pa ata dun yung kasama ko si papa nung 15 years old ako eh, pasko pa nung araw na yun kaya sobrang daming tao

"Luneta? Anong meron dun? Hindi pa ko nakakapunta dun" Sabi niya sabay lagay ng isa niyang kamay sa bulsa niya

"Ang ganda kaya dun! Pasyalan kasi yun tapos nandun yung rebulto ng ating bayani na si Dr. Jose rizal, oh wait a minute kapeng mainit, baka hindi mo kilala si rizal? Lolo yun ng lolo ng lolo ko at ng lolo niya, oh hindi mo gets? Ang bopols mo naman!"

"Hindi ako tanga kagaya mo, ofcourse kilala ko yun at isa pa lolo din ng lolo ko si Albert Einstein"

Kelan kaya mawawala yung word na TANGA kay mathematics? Bwiset!

aba! Albert ha? Mukha niya! hahaha!

"Sige nga, sino yung utak ng katipunan ha?" Paghahamon ko sakanya at lumapit pa ko sa kanya at tinuro ko yung sintido niya pero agad niya rin itong hinawi

"Emilio jacinto.." Seryoso niyang sagot

Waahh bakit alam niya?! Daya! Teka wait, may teka na may wait pa eh, anyway hindi ko paba nasabi sainyo na favorite subject ko ang pilipino at history? Ang ganda kasi ng kasaysayan ng ating bansa nakaka proud at the same time nakakaiyak din, math lang talaga pinaka hate ko sa lahat eh..

"Sino naman ang ama ng katipunan aber?" Tanong ko pa ulit, natawa naman siya ng konti, siguro hindi niya alam bwahaha

"Andres bonifacio" Madiin niya pang sabi habang naka ngiti sakin ng nakakaloko "Paki bilis, anong oras na oh" Sabi niya sabay tingin sa relo niya

"Mag di-date ba tayo?" Wala lang gusto ko lang itanong haha, narinig ko naman na natawa siya ng konti at tumingin sakin ng deretso, ako naman tuloy yung hindi maka tingin sakanya, nakaka ilang kasi! Ang gwapo niya! Jusmiyo marimar

"Mag ayos kana, ikaw ang tour guide ko ngayon sa luneta"

Aba! Ginawa pa kong tour guide netong mathematics na to

"Okay po" Sabi ko nalang tapos pumasok na ko sa loob ng kwarto

Waahh! Ang saya ko naman! Mababaliw ako sa kilig, binilisan ko agad yung pag bihis, ang sinuot ko ay simpleng purple t-shirt lang tapos pantalon, nag ayos din ako ng konti sa mukha para mag mukha naman akong tao, nag pulbo ako at nag lagay ng limbalm, pagkatapos sinuklay ko ang buhaghag kong buhok, nakakainis talaga tong buhok ko buhol buhol! Isang beses lang kasi ako nag susuklay sa isang araw eh pagkatapos lang maligo hahaha

Doneeee!

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si math na nakasandal sa may gilid at nag ce-cellphone, ohmygulay.. Naka white t-shirt siya tapos pantalon, napansin ko naman agad yung buhok niya dahil naka taas ito nilagyan niya ata ng gel, wow badboy look siya ngayon ah? Ang gwapooo! Kyaaahh!

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now