Chapter 24 - Hospital

177 14 9
                                    

Keysi Mendoza's POV

Marami pa kaming mga rides ang sinakyan, pero ang panghuli naming rides na pinuntahan nila tita ay yung sa pumasok kami sa parang kweba pero nakasakay kami sa bangka at umaandar yung bangka sa tubig at sa gilid naman ay may mga statwa na gumagalaw.. Mga nakikipag laban meron pa ngang bungo don na nakakulong..

Pagkalabas namin ay kumain ulit kami bago kami umuwi

"Nag enjoy kaba keysi?" Tanong sakin ni tita

"Opo, sobra!" Masaya kong sabi

nakita ko naman si math na tumayo at tumitingin ng mga kwintas don sa mga nag titinda, kaya naman nilapitan ko siya

"Bibilhan mo si andrea?" Tanong ko, di niya ko pinansin tumitingin lang siya sa mga kwintas

"May kaparehas lang yung kwintas na to" Sabi niya sabay hawak don sa kwintas na may hugis na heart

"Saan?" Tanong ko

"Sa ex ko, ganito yung kwintas niya" Sabi niya kaya napatango nalang ako

Tumingin nalang din ako ng kwintas at may nakita naman akong kwintas na gold na star at may bilog sa gitna na kulay blue, ang gandaaa!

"Gusto mo yan?" Biglang tanong ni math

"Oo" Nakangiti kong sagot at tumango pa ko

Bibilhan niya ba ko? OMG

"Bili ka" Naka ngiti niyang sabi pero halata sa ngiti niya na nang aasar siya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin

Kainis talaga to! Babalik ko na sana yung kwintas pero bigla niya itong kinuha sakin

"How much this one?" Tanong ni math sa tindera at pinakita pa yung kwintas, napangiti naman yung babae at medyo kinikilig

"10k sir" Sabi nung babae

Nanlaki naman ang mata ko! 10 thousand?! Masasangla ko ba yun?! Oo malamanggg

"Nako ang mahal pala wag na math mahal eh" Sabi ko kay math

"Bibilhin ko" Nakangiting sabi ni math sa babae! Omg! Bibilhin niya talaga?! Seryoso ba talaga siya?!

"Math seryoso kaba?!" Gulat na tanong ko hindi niya lang ako pinansin at dumeretso sa counter at binayaran! Nilabas niya yung card niya at binigay sa babae, pagkatapos non ay nilagay na nung babae sa box na maliit yung kwintas tapos binalik na sa kanya yung box

"Omg seryoso ka talaga" Sabi ko pa at napatakip pa ko ng bibig ko sa sobrang shock

"Oh" Sabi ni math sabay abot sakin nung paper bag at nakalagay sa loob nun ang box na maliit

"Waaahh! Thank you math!!" Masaya kong sabi at napayakap pa ko sa kanya

napatingin naman ako sa kanya habang yakap ko pa din siya tinulak niya yung ulo ko gamit at isa niyang daliri

pag ka upo namin sa table ay pinakita ko kay tita yung kwintas na binili ni math tuwang tuwa naman si tita at kinikilig

"May gusto kana ba kay keysi?" Pang aasar ni tita kay math, napaubo naman si math sa sinabi ni tita

"Porket binili ko ng kwintas, may gusto na agad? Never!" Sabi ni math kaya naman napasinangot ako

"Never say never" Sabi ni titl habang natatawa

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami sa star city pero bago kami sumakay sa sasakyan ay tinignan ko muna ulit yung labas ng star city at kumaway ako

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon