Chapter 37 - First kiss

163 15 6
                                    

Keysi Mendoza's POV

bumalik na ko sa upuan ko pagkatapos kong kausapin si math

"Nakita mo si math? Grabe ang gwapo niya kanina habang kumakanta!" Manghang sabi ni grace

"Oo nakita ko kanina.."

"Where's math?" Maarte namang tanong ni andrea sakin parang naiirita pa siya

"Malay ko, bakit di mo hanapin?" Sabi ko, pero tinarayan niya lang ako sabay tingin sa paligid

bigla naman nag salita yung MC

"Okay paba kayo jan? Excited naba kayong maisayaw ang mga crush niyo or jowabels niyo? Konting kembot nalang guys, sa ngayon palakpakan muna natin ang mga sasayaw dito sa stage please welcome, the dancing blacktan!" Sigaw nung MC at sabay sabay pumasok yung pitong mga lalaking naka black na t-shirt at pants tapos naka black na cap din

Bigla naman tumugtog yung kanta ng kpop na BTS! Yung Mic drop! Halaaaa kaya pala blacktan kasi bangtan yun hahaha

"Si math yun" Bigla namang sabi ni nathan kaya sabay sabay kaming tatlong napatingin sa kanya

"Si math ang alin?" Tanong ni grace kay nathan

"Yung nasa gitna, yung pinaka maputi ayun yung suot niyang relo kanina" Pagkasabi nun ni nathan ay napatingin akonsa relo nung lalaking nasa gitna, oo ngaa! Ayun yung suot na relo ni math kanina! Sasayaw din siya?! Jusko po! Kanina kanta tapos ngayon sayaw? Nag simula na yung sayaw

"Omg he's so handsome! Si math nga!" Biglang hiyaw ni andrea.. Nagtilian na din yung iilang girls syempre bakla na din kasi ba naman nakayuko sila kanina nung naglalakad papasok sa stage at nung nag simula ng tumugtog yung mic drop inangat na nila yung ulo nila, naka smirk si math samin! Siya si jungkook doon sa blacktan hahaha kilala ko BTS dahil fan nila ako dati..

Nung tinignan ko si math ay nakatingin din siya sakin tapos ngumiti siya, jusme bakit ba siya ganito?

'Si math yun diba? Ibang klase pasabog niya ngayong gabi ah? Napaka pogi'

Rinig kong sabi nung babae na nasa kabila naming table

Tinignan ko naman si math habang sumasayaw, ang angas ng datingan niya ngayon! Ang angas ng galaw niya, kuhang kuha niya yung sayaw with facial expression pa..

nung matapos ang sayaw ay pumunta na sila sa back stage... Tapos nag salita ulit yung MC at sinabing kumain na daw muna kami kaya naman pumila na ko don sa kainan at kumuha ng pinggan, aayain ko sana sila nathan at grace pero hindi sila nakatingin sakin eh nag uusap sila

"Ah miss, hahatiran po namin kayo ng pagkain sa table niyo, hindi niyo po kailangan pumila" Nakangiting sabi nung babae sakin

Hala kaya pala nag tataka ako at ako lang ang nakapila

"Ay sorry po akala ko kasi pila hehe" Nahihiya kong sabi tapos nginitian niya lang ako... Babalik na sana ako sa table pero may natawang lalaki sa likuran ko kaya naman tinignan ko kung sino..

Sabi na nga ba eh... si math yun

"Gutom na gutom ka ah? Hindi makapag hintay?" Pabirong sabi ni math sakin

"Oo, ang tagal kasi eh akala ko pila" Naka pout pa na sabi ko

"Stop pouting, you look so cute.." Nakangiti niyang sabi... Ano daw? Cute ako? Waahhhh

Sa sobrang kilig ko nakalimutan kong ayusin yung laylayan ng gown ko at dahil ang haba neto ay napatid tuloy ako, napa subsob tuloy ako kay math kaya naman natumba din siya! Narinig ko yung sigawan ng ibang estudyante.. Pagkabagsak ni math ay nakapatong ako sakanya at sa hindi inaasahang pangyayari..

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now