Chapter 6 - Teasing

202 10 0
                                    

*Di ako magaling mag POV ng lalaki pero tatry ko pa din sana magustuhan niyo po hehe*

Math Del Rosario POV

Nakita ko si stupid girl na nakatulog na at tulo laway pa aish natuluan na yung notebook niya kaya naman kinuha ko ito dahan dahan..

inayos ko ang mga libro na nakakalat at nilagay ko din yung mga notebook niya sa bag niya. Pero may nalaglag na papel mula sa isa niyang notebook kaya naman pinulot ko ito pero nagulat ako nang mabasa ko ang pangalan ko

Ano to?

Then naalala ko yung unang araw na kinausap niya ko ito yung dapat ibibigay niya sakin, kaya naman binasa ko na

Alam niya daw size ng brief ko? tsk sira talaga.. nilagay ko na agad sa bag niya ung papel at tinignan ko si keysi habang mahimbing na natutulog

Bakit ba ako pa ang nagustuhan mo? Wala kang mapapala sakin..

Sorry..

Keysi Mendoza's POV

Pag kagising ko ay nagulat ako dahil nandito ako sa table na maliit naka tulog pagka galaw ko ay may nalaglag na kumot.. Naalala kong nakatulog pala ako kagabi! Asan na si math? Siya ba nag kumot sakin? Mabait naman pala siya hehe

naligo ako agad at nag ayos ng sarili pagkababa ko ay nakita ko si tita na nag aayos ng hapagkainan

"Goodmorning keysi, kamusta ang tulog?" Tanong sakin ni tita pagkababa ko ng hagdan

"Ayos naman po tita" Nakangiting sabi ko nakita ko naman si math at josh na kumakain si tito naman ay nasa sofa at nag babasa ng dyaryo habang umiinom ng kape nginitian lang ako ni tito

"Kumain kana para makapasok na kayo sa school.." Sabi ni tita kaya naman umupo na ko at kaharap ko na naman si math

"Math salamat pala kagabi ah?" Nakangiting sabi ko kay math

Di niya naman ako pinansin at patuloy lang siya sa pagkain niya

"Why? Anong ginawa ni hyung sayo kagabi?" Tanong ni josh

Yung hyung pala ang ibigsabihin ay kuya haha

"Tinulungan niya ko mag review para sa exam sa monday" Sabi ko kay josh sabay subo ng hotdog, sarapp tender juicy eh hehe

"May natutunan kana man ba stupid girl?" Tanong ulit ni josh aba ayan na naman tong bata na to ni minsan ata hindi ako tinawag neto na ate eh sarap bigwasan

"Oo naman!" Mabilis na sagot ko at tinarayan ko pa siya

"Hmm what is the square root of 4?" Biglang tanong niya

Aba etong batang to! Nang aasar talaga!

"Tanong mo sa pagong" Sabi ko nalang dahilan para matawa si tita at tito

"Argh! You stupid!" Biglang sigaw niya sakin at tumakbo palabas

"Mauuna na ko sa car!" Pahabol na sabi pa niya

HAHAHA asar talo si totoy

si math naman ay tumayo na din at akmang aalis na kaya naman binilisan ko yung pagkain ko halos mabulunan na nga ako

tapos nagpaalam na ko kila tito at tita na aalis na kami hinabol ko si math para makasabay ako sa kanya

tinignan naman ako ni math at bigla siyang lumapit sakin! Waaahh hahalikan niya ba ko? Pero may tinanggal lang siya sa buhok ko

I Hate Math or I Love Math? | PART ONE |Where stories live. Discover now