Chapter 1 - The beginning

1.3K 16 0
                                    

8 years ago...

Ganap sa birthday party ni Ella, araw ng linggo.

"Guys, guys say—cheese!" sigaw ni Ella habang hawak ang selfie stick nito sabay agad iyong itinaas na parang manunungkit ng mangga upang kumuha ng larawan nila.

Sabay-sabay nga namang nagtingalaan at nagpakita ng pang-mais ang mga kaibigan at katrabaho nila sa harap ng camera. Ang iba ay nag-sign pa ng finger heart at ang iba ay nakanguso pa.

"Isa pa guys!" sigaw muli at request ni Ella sa lahat. "Mia ngumiti ka naman bes, para ka namang estatwa dyan. Ikaw lang ang hindi uma-awra, girl!" puna pa nito kay Mia sabay hampas ng bahagya sa braso niya.

Sunod naman ulit ang mga kaibigan at katrabaho sa sinasabi nito. Si Mia naman ay bahagya lamang ngumiti.

"Okay guys, one more! Compress and say—cheese!" hiyaw na naman ni Ella na tila ba hindi napapagod humiyaw at mag-selfie nang mag-selfie.

"Hoy bakla, i-tag mo lahat ng pictures natin sa amin ha!" maarteng sabad ng isa pa nilang best friend ni Mia na si Deli. Katatapos lang nitong kumanta sa videoke.

Isa itong beki na kasing kulit din ni Ella. Pero ito yung beki na hindi halata wag lang magsasalita. Bihis lalaki pa rin ito at gagalangin ang datingan. Maging ang kilos nito ay lalaking-lalaki pa rin. Wag lang nitong iwawasiwas ang malalantik nitong mga kamay kapag nagsalita at sobrang excited.

Nakapalibot silang lahat sa isang table sa harap ng videoke machine habang umiinom ng red horse. Si Mia naman ay nakiki-umpok lang at nakikipag-kwentuhan. Pero hindi siya umiinom.

"Hay naku bakla, kahit hindi mo pa sabihin, ita-tag ko talaga ito lahat sa inyo. Pero syempre naman, ide-delete ko muna ang mga pangit na kuha ko 'no!" tumatawang sagot ni Ella kay Deli na parang bruha pa na nang-iinis sa kaibigan. Sabay lagok nito sa isang baso ng red horse. "Bakit ang red horse mga bes hindi naman masarap pero paborito ng bayan ano?!" baling at puna nito sa iniinom sabay tusok ng tinidor sa pulutan na pork afritada.

"Hoy lasing ka na ata, girl!" puna ni Deli dito. "At saka walang burahan ng picture girl ha, umayos ka! Napaka-daya mo palibhasa ikaw lang ang may magandang cellphone. Kaya babalahurain mo na ang aming pictures. Tapos ang ending, sayo lang ang maganda, ganern!" pabirong saad pa nito sabay pahaging na hampas ng hintuturo sa nakalugay na buhok ni Ella.

"Hindi ako lasing ano ka ba! Kaya sorry ka na lang baks. Dahil nasa akin ang kapangyarihan! Kaya syempre iku-quality check ko muna ang mga pictures ko. At yung sa inyo ia-upload ko talaga kahit pangit!" tumatawang pang-aasar pa rin nito kay Deli.

Habang si Mia naman ay natatawa lang na pinanonood ang dalawang kaibigan niya.

"Ikaw bestie, patawa-tawa ka na lang ba dyan? E anong plano mo, kailan mo bubuksan ang Facebook mo? Aba inaamag na yun ah! Ang dami-dami na naming nai-tag sayo, girl. May isang libo na ata yun, hindi mo naman ino-open ang FB mo!" baling ni Ella kay Mia na may paghampas na naman ng bahagya sa braso niya.

"Wag nyo n akong asahan pa na magfe-Facebook, abala lang yan. As if naman, yayaman ako sa Facebook Facebook na yan!" pabirong sagot naman niya sabay ngiti sa dalawang kaibigan.

Nagka-tinginan naman ng tila may ibig sabihin si Ella at Deli.

"Hay naku bakla kakainis ka talaga! Napaka KJ mo talaga at old fashion!" singit ni Deli na nakapamewang pa habang kumukumpas-kumpas ng malantik ang isang kamay na tila mababali na sa kakawasiwas.

"Sinabi mo pa baks! Di bale, tatadtarin ko pa rin ng tag yang babaeng yan. Para naman pag naisipan n'yan magbukas ulit ng FB, e may makita naman siyang magagandang nilalang na tao sa wall niya!" hirit ni Ella kaya sabay silang nagtawanan ni Delmond.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon