Chapter 4 - Blind date

814 14 0
                                    

Makalipas ang limang araw ay isinagawa na nina Ella ang blind date ni Mia at John. Niyaya ng dalawa si Mia na mag-mall. Pero doon lang sa malapit na mall kina Mia. Pagdating sa SM mall ay natanaw na agad ni Ella at Deli si John sa di kalayuan. Ngiting-ngiti na naman ito na akala mo ay hinihila sila papalapit dito.

Killer smile si John, blue eyes, at maganda ang tindig nito. Ang ilong nito ay katamtaman lamang ang tangos. Hindi ito matayog na gaya ng sa ibang foreigner. Maganda rin ito magdala ng damit na tila isang modelo. Kahit simpleng t-shirt lang ang suot nito ay para bang ang bango-bango nito at mapapalingon ka talaga dito.

Maipapares mo si John sa kagwapuhan ni Zac Efron. Walang sinabi si Gerald Anderson sa angking kagwapuhan nito. Ang height nito ay hindi nalalayo sa typical Pinoy height. Nasa 5'9 ito which is a perfectly fine height for Mia. Dahil 5'6 height naman ang dalaga.

Kahit sa picture lang nakita ni John si Mia. Kilalang-kilala na agad nito ang itsura ng dalaga pagkakita pa lang nito dito sa malayo. Habang tinatanaw nito ang dalaga na papalapit sa pwesto nito. Nararamdaman nito na tila bumibilis at nag-uunahan ang pintig ng puso nito.

Ang mga tuhod nito ay tila gusto ng mabali dahil sa kaba. His hands were trembling, he is shaking from being nervous. His mind works with a combination of two things, which are excitement and fear. Excitement that he finally meets Mia and he is spending time with her. But afraid because what if Mia doesn't like him or what if she runs away.

Pero bago pa man tuluyang makalapit ang tatlong magkakaibigan ay inayos nito ang sarili. Huminga ito ng malalim upang mapawi ang kaba na nararamdaman.

Naisip nito na hindi ito bumiyahe ng libo-libong milya para sayangin ang sandaling ito. At hindi ito pwedeng mapahiya sa harap ni Mia. Kaya nilakasan nito ang loob.

Wala namang ka ide-idea si Mia na ang Amerikanong nakatayo na natatanaw niya ay siya pala nilang tatagpuin. Kaya naman nang makalapit na sila dito ay nagulat siya nang biglang nagsalita si John.

"Hi! I'm John!" magalang na pakilala ni John sabay abot ng kamay kay Mia upang makipag-shake hands. Pagkasabi ng pangalan ay ngumiti ito ng pagkatamis-tamis kay Mia. Pero bukod doon ay tumatakbo din ang isip nito dahil sa labis na paghanga sa dalaga.

God, she's so lovely! Bulong nito sa isip habang iniaabot ang kamay kay Mia.

Hindi naman maintindihan ni Mia kung aabutin ba niya ang kamay ni John. Kaya naman napatingin siya sa dalawang kaibigan niya. Na kung saan-saan nakabaling ang mga mata na akala mo ay may tinitingalang ibon sa second floor ng mall. Indication lang yun na umiiwas ang mga ito sa mga mata niyang nang-uusig.

Naramdaman na agad niya ang ibig sabihin ng inaasta ng dalawa niyang best friend. Malamang ay naset-up na naman siya ng dalawa. Style kasi ng mga ito ang i-blind date siya sa kung kani-kanino. Pero this time ay ibang lahi ang ibinubugaw ng mga ito sa kanya. Kaya nang sa wakas ay magtama na ang kanilang mga mata, pinanlisikan niya ng tingin ang dalawa.

"I'm Mia!" matabang na tugon niya sa binata na hindi man lang pinansin ang kamay nito na nakalahad. Dahil ang mga mata niya ay nakatuon sa dalawang bugaw niyang best friend na pangisi-ngisi pa sa kanya. Kaya naman binawi na lang ni John ang iniaabot nitong kamay, at patay malisya na lang sa hindi pagpansin ni Mia sa kamay nito.

Hindi naman nagpasindak si John. Nagpatuloy pa rin ito na kausapin si Mia kahit pa kinakabahan ito. And he finds Mia even prettier and very attractive in person. Pero hindi ito nagpapa-halata na ninenerbyos at lihim na humahanga sa angking kagandahan ng dalaga. Ayaw naman nitong isipin ng dalaga na pervert ito na foreigner. Kaya kahit gusto nitong purihin si Mia ay nanahimik na lamang ito.

Napaka simple lang ni Mia nang araw na yun. She is just wearing above the knee fitted dress and doll shoes. Tapos nag lipstick lang siya at nag-face powder, nagtali lang siya ng buhok. Hindi naman kasi niya akalain na ibubugaw siya. Ah mali pala, iba-blind date siya ng mga kaibigan niya. Kaya hindi na siya nag-ayos. Pero para kay John, she looks amazing and stunning. He was completely mesmerized by Mia's innocent beauty.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon