Chapter 5 - Holdback

711 15 2
                                    

Hinanap ni John ang bahay nina Mia maging ang company kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Pero syempre, sa tulong yun ni Ella at Deli. Kaya sa bandang huli ay napilitan din si Mia na payagan na ito na manligaw. Dahil na rin sa dalawang bugaw niyang best friend.

Lumipas ang mga linggo na hindi pumapalya si John sa mga gimmick nito para pasayahin si Mia. Nag-renta pa ito ng kotse na pwede nitong gamitin hanggang matapos ang bakasyon nito sa Pilipinas. Gusto kasi nitong maihatid at sundo si Mia sa trabaho. Pinanindigan talaga nito ang panliligaw kay Mia. Hindi ito sanay manligaw. Pero para kay Mia ay gagawin nito ang lahat mapa-ibig lamang ang dalaga.

Nag-research pa ito sa online ng mga ways on how to court a Filipina woman. He knows that Filipina are generally shy and conservative unlike in the US where being liberated is accepted. He also knows that courting a Filipina woman is going to take a lot of time and effort. But one of his Filipino friends told him that all his hard work bears fruit at the end, which is getting a Filipina woman's heart and love. And he is very determined to win Mia's heart.

John knows that Mia will not fall for flowery words na hindi naman din applicable sa binata. Dahil ito yung tipo ng lalaki na hindi ugali ang mambola ng babae. For John, saying flowery words to a woman is very shallow and doesn't express sincerity.

I have to be consistent. John whispered to himself while thinking of Mia.

He knows that visiting Mia in her home where he can meet her parents and family also shows sincerity and seriousness to the woman he likes. Kaya naman palagi itong umaakyat ng ligaw sa bahay ng dalaga. Kasundong-kasundo naman ni John ang kuya ni Mia at si Yu. Ang buong pamilya ng dalaga ay walang maipuna na kahit anong masama dito.

Pakiramdam nga ni Mia ay nakuha na ni John ang boto ng pamilya niya at mga kaibigan. Kahit nasa trabaho siya ay dumadalaw si John sa bahay nila para i-bonding ang family niya. At madalas pa nitong kasama ang kuya niya na nagbabasketball, at minsan ay namamasyal sila kung saan-saan.

Sa kabilang banda, si Mia naman ay palagi na lang pinagtataguan si John. Pero sa kabila ng lahat ay hindi pa rin sumusuko si John. Kahit umuulan ay hinihintay siya nito sa labas ng bahay nila o kaya ay sa labas ng company na pinagta-trabahuhan niya. Kahit kinikilig ang lahat sa mga effort ni John. Kay Mia naman ay tila balewala lang ang effort ng binata. Siguro ay dahil may nakagawa na sa kanya ng ganoon noon. Pero sinaktan lang din naman siya. Ilang beses na rin niyang binasted si John. Pero hindi pa rin ito tumitigil sa panunuyo sa kanya.

"Bes hindi ka ba naaawa kay afam? Tingnan mo siya sa labas o. Ang lamig-lamig pero hinihintay ka pa rin," tanong ni Ella sa kaibigan habang nakasilip sila pareho sa bintana ng opisina nila. Sila na lang ang tao sa opisina ng oras na yun dahil palagi ngang umiiwas si Mia na makita si John.

"Hayaan mo siyang lamigin dun. Saka don't worry bes kasi sanay naman yan sa cold weather," pabalang na sagot niya kay Ella. "Saka hindi ko naman siya inuutusan na gawin yan. Sinabi ko naman sa kanya ng maraming beses na, na wala siyang aasahan sa akin kahit anong pakitang gilas pa ang gawin niya. Saka sigurado ako na susuko din yan pag napagod na. I'm sure gaya rin yan ng mga lalaking nauna sa kanya na puro sa una lang magagaling," mahinahon pero may diin na dugtong pa niya.

"Bestie masyado mo kasing pinahihirapan ang mga nanliligaw sayo kaya sumusuko sila. At saka alam ko naman na naaalala mo sa kanya ang nakaraan. Di ba ganyan na ganyan siya sayo noon. Pero sana naman wag mo siyang ikumpara sa ex mo," giit at payo nito.

"Anong magagawa ko, di ko nga sila gusto," maigsing sagot lamang niya.

"Talaga lang ha, e kung kutusan kaya kita dyan! Ang sabihin mo pinipigilan mo lang na gustuhin sila. Imagine, more than 3 months mo ng ginaganyan si John, nag-extend pa nga siya ng vacation para sayo. Pero hindi pa rin sumusuko sayo yung tao. Di ba sabi mo in 2 weeks susuko din yan. Pero anong petsa na girl, nandyan pa rin siya. Wala ka pa rin ba talagang nararamdaman sa kanya?" mahabang sagot ni Ella na tila gusto siyang paaminin na gusto na rin niya ang binata. Saksi kasi ito sa lahat ng effort na ginagawa at ipinapakita ng binata. At saksi din ito kung paano ipagtabuyan lagi ni Mia ang manok nila ni Deli.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon