Chapter 9 - Visa Approved

779 16 0
                                    

After 1 week ay fiance visa interview naman sa US embassy ang kinaharap ni Mia. Never siyang kinabahan sa mga interview na naranasan niya noon sa pag-aapply ng trabaho.

Pero itong visa interview ay hindi niya maiwasan na hindi kabahan. Dahil alam niya na isang maling sagot lang niya dito ay tiyak na may kalalagyan siya.

Kaya naman bago sumabak sa interview ay kinabisado muna niya ang lahat ng tungkol kay John upang wala siyang makalimutan.

Kahit na alam na alam na niya ang talambuhay ni John ay minabuti pa rin niyang praktisin ang mga posibleng itatanong sa kanya ng consular officer at mga isasagot niya. Mas mabuti ng maging handa kaysa magsisi sa huli.

Kinaumagahan sa araw ng interview ay maagang nag-byahe si Mia at ang dalawang kaibigan niya. Hiniram pa ni Deli ang kotse ng papa nito. Para hindi na sila mag-commute at para hindi ma-late sa appointment si Mia sa embassy.

Isa pa ay alam nilang dalawa ni Ella na hindi sila pwedeng sumama sa loob ng embassy. Kaya ang plano nito at ni Ella ay gagala ang mga ito sa malalapit na pasyalan sa embassy habang hinihintay si Mia. Si John naman ay nag-iwan muna ng goodluck message kay Mia bago ito natulog.

"Guys, salamat talaga ulit ha. Dahil lagi kayong nandyan para sa akin," nahihiyang wika ni Mia sa dalawang kaibigan habang nagpapaalam sa mga ito bago siya pumasok sa entrance gate ng US embassy.

"Wala yun bestie, basta galingan mo ha, goodluck sayo! After 2 hours babalikan ka namin agad. Dun sa parking lot sa kabilang kalsada ang meeting place natin," nakangiting sagot naman ni Ella sa kanya.

"Goodluck bestie! Go girl, para sa pag-ibig!" sabad naman ni Deli sabay beso sa kaibigan.

Nagulat si Mia sa dami ng aplikante na nakapila sa labas ng US embassy. Sa isip-isip niya ay ganito pala kadami araw-araw ang naghahangad na makapunta sa America?

Sobrang dami kasing tao at haba ng pila. Wala sa isip niya ang pumunta ng kahit anong bansa dahil masaya naman siya sa buhay niya sa Pilipinas. Pero dahil nga sa ngalan ng pag-ibig, kaya ito siya ngayon nakikipag-sapalaran din para makasama ang lalaking mahal niya.

Pagkatapos i-double check ng mga staff sa entrance gate ng embassy ang DS-160 at appointment letter ni Mia ay pinapasok na siya sa loob for security check.

Nang makapasok na silang lahat sa main building ng Embassy ay binigyan sila ng instructions ng isang staff doon kung saan sila pipila na mga windows.

Una silang pinapila sa biometric para kuhanan ng fingerprint at sumunod ay sa screening kung saan ay isang Filipino consular officer ang nag-i-interview. At nagche-check ng lahat ng dokumento ng aplikante. Pero sa wikang Tagalog lamang sila nito kinakausap.

Pagkatapos ay pinaupo na siya ng staff na nag-a-assist sa lahat ng applicant. Ang sabi ng babae na nag-a-assist sa mga applicant ay sunod na daw ang interview sa American consular officer. Maghintay lamang daw siya sa upuan hanggang sa maisalang sa interview.

Nakakakaba dahil nasa harapan lang nina Mia ang mga windows kung saan live na ini-interview ang mga visa applicants. Dinig na dinig nila at kitang-kita ang mga nangyayari doon.

Malinaw din sa pandinig ng mga waiting applicant na mga nakaupo ang mga pinag-uusapan ng nag-iinterview at visa applicant na nakatayo sa labas ng bawat windows.

Hanggang sa tinawag na nga ang batch nila. Pinapila sila sa bakanteng area sa harap ng mga windows kung saan ginaganap ang panayam sa lahat ng aplikante.

Mas lalong kumabog ng matindi ang dibdib niya sa nerbyos. Dahil palapit na siya nang palapit sa isasalang. Hanggang sa siya na ang sinenyasan ng American consular officer na nasa loob ng maliit na bintana. Agad namang lumapit si Mia sa window kung nasaan ang officer na sumenyas.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon