Chapter 6 (SPG) - Expect the unexpected

856 13 1
                                    

Gusto niyang pigilan ang binata sa paghalik sa kanya subalit bakit hindi niya ito magawa. Bagkus ay pilit niya rin itong kinakalaban sa halip na itulak ito palayo sa kanya.

Habang maingat na inaararo siya ng halik ni John sa labi ay hindi niya maiwasang mapapikit muli. Upang mas damahin niya ang mainit na hininga ng binata at ang malambot nitong labi na tila nagsasayawan sa kaligayahang nadarama.

Tumagal din ng ilang minuto ang mainit na pag-iisa ng kanilang mga labi. At ng makaramdam na tila nauubusan na sila ng hininga ay panandalian silang tumigil at nagyakap ng mahigpit.

Hanggang sa inulit muli nila ang paglalapat ng kanilang mga labi na lalong nagpatindi sa init ng kanilang mga katawan. Parang nag-aalab na apoy na ang katawan ni John gayon din ang pakiramdam ni Mia. Nag-aalab na katawan pero may sarap sa pakiramdam.

Ibinalot ni John ang mga kamay sa bewang ni Mia upang mas ilapit ang katawan sa dalaga at lalong damahin ang malambot na labi ni Mia.

"Why are you driving me crazy!" mahina at malambing na usal ni John sa tainga ni Mia.

Habang abala si John sa pag-araro sa labi ni Mia pababa sa earlobe nya hanggang leeg. Ay tila ba bolta-boltaheng kuryente ang kumakawala sa buong pagkatao ni Mia. At kahit nga hindi niya inuutusan ang sarili na labanan si John ay kusa itong lumalaban sa anomang ginagawa ng binata.

Ang bawat haplos at halik ng binata sa kanya ay lalong nagpapa-agresibo sa kanyang mga galaw. Na lalo ding nagpapainit sa buong pagkatao ni John dahil sa hudyat na gusto rin ni Mia ang ginagawa nila.

Habang hinahayaan ni Mia si John na araruhin sya ng halik nito sa labi ay nararamdaman niya na pababa pa nang pababa ang labi ng binata. Una ay sa kanyang tainga hanggang ibinaba na nito ang labi sa kanyang leeg at balikat.

Kasabay ng paghalik ng binata sa kanya mula labi hanggang leeg ay hinayaan nya na rin na gumala ang kamay nito sa kanyang dibdib.

Di na maintindihan ni Mia ang nararamdaman nya. May kiliti at sarap siyang nararanasan sa mga oras na yun na ayaw niyang pigilan. Sinisigaw ng isip nya na tama na mali ito. Pero ang puso niya ang nagsasabi na ituloy lang ang ginagawa nila ni John.

Gusto nyang itulak si John palayo pero bakit lalo pa niyang niyayakap ng mahigpit ang binata na lalong nagpapatindi sa init ng kanilang mga katawan. Hindi na kayang pigilan ni Mia si John, nag-e-enjoy na siya sa ginagawa nito sa kanya. Paulit-ulit syang hinahalikan ng binata sa leeg at labi. Maya-maya pa ay huminto saglit si John.

Tumitig ito sa mga mata ni Mia habang hinahaplos ng marahan ang pisngi at buhok niya.

Si Mia naman ay pinagmasdan din sa mga mata si John. Hanggang sa muling nagdikit ang mga labi nila at muling bumaba sa leeg ni Mia ang labi ni John.

Mas maalab at mas agresibong mga halik iyon. Muling sinapo at marahang hinaplos ni John ang malambot at mayamang dibdib ni Mia. Maka-ilang segundo itong namalagi sa paghalik sa leeg ni Mia at paghaplos sa dibdib ng dalaga. Wala namang pagtutol si Mia sa binata kaya nagtuloy-tuloy lamang si John sa ginagawa sa dalaga.

Nakasuot pa si Mia ng body fit t-shirt at skinny jeans ng oras na yun. Habang abala si John sa paghalik at paghaplos sa dibdib ni Mia ay di na niya napigilan na mapaungol sa sarap na nararamdaman.

Pakiramdam niya ay parang hinahaplos at hinahalikan ni John ang kaloob-looban ng kanyang katawan. Pakiramdam niya ay tumataas ang lahat ng balahibo nya sa buong katawan. At sa bawat haplos na yun ay kailangan niyang umungol upang mailabas ang di maipaliwanag na kaligayahang nararamdaman na nagmumula sa loob ng kanyang katawan.

Sa bawat ungol nya ay tila ba lalong ginaganahan si John sa bawat kilos nito at paghahari sa katawan ni Mia. Sa puntong iyon ay tila nagiging masunurin na si Mia sa anomang gawin ni John sa kanya. Hinayaan lang nyang ipasok ni John ang isang kamay nito sa loob ng kanyang kamiseta at bahagya iyong itinaas upang makita nito ang pantay na tiyan at ang pusod ng dalaga.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon