Chapter 14 - Story unfold

601 15 4
                                    

Nagkataon nga lamang ba?

Pagkagaling ni Mateo sa Walz bakeshop ay medyo mabigat ang loob niya na bumalik sa bahay ng ate niya. Bitbit niya ang tinapay at cookies na binili niya. Halata ang pagka-dismaya sa itsura niya. Kaya napansin agad ng kapatid niya.

"Ate, ito bread and cookies. Binili ko sa isang famous bakeshop sa downtown," dismayadong wika ni Mateo pagkabungad pa lang ng kapatid sa kanya sa pintuan. Agad naman iyong kinuha ng kapatid niya.

"Okay ka lang ba, brother?" nag-aalalang tanong ng kapatid niyang si Faith matapos iabot ang isang baso ng juice. Nahalata agad nito na tila may problema siya.

"Akala ko lang kasi si Mia yung nagsulat ng dedication cake ni Love kahapon. Kaya bumalik ako sa Walz bakeshop kanina. Pagbalik ko doon, Amerikana pala ang nagsulat," malungkot na kwento at pag-amin niya sa kapatid pagkaupong-pagkaupo niya sa couch sa may salas.

"Paano mo naman naisip na makakarating si Mia dito sa US? Di ba nga sabi mo walang plano yun mangibang bansa," pagtataka ni Faith.

"Hindi ko rin alam kung bakit ko naisip yun. Siguro dahil miss na miss ko lang talaga siya."

"Pero Mateo, alam mo naman na kung si Mia man yun. Nasisiguro ko na hindi ka pa rin niya napapatawad sa ginawa mo sa kanya noon. 100 percent sure ako dyan," tila nanggagatong pa na sagot ni Faith. Kaya napatingin sa mga mata nito si Mateo.

"Alam ko na yan ate, nagbabakasakali lang naman ako na baka siya yun. Kasi biglang tumibok ng mabilis ang pintig ng puso ko pagkakita ko talaga sa cake na yun kahapon," paliwanag niya na mababanaag ang lungkot sa tinig.

"Kapatid, bakit ba hindi ka na lang bumalik sa Pilipinas at humingi ng tawad sa kanya. Kaysa naman nagkakaganyan ka. Kaya tuloy akala mo palagi, biglaan na lang kayong magkaka-engkwentro kahit na alam mo namang imposible na mangyari."

"Natatakot kasi akong harapin siya. Pero sinabi ko na din sayo na ilang beses na akong humingi ng tawad sa kanya di ba? Araw-araw akong nagse-send ng message sa Facebook niya at sa email niya noon. Pero hindi man lang niya binabasa ang mga pinapadala kong message hanggang ngayon."

"Yun lang ang ginawa mo? Do you think that's enough brother?"

"Tinatawagan ko siya, pero hindi naman niya ako sinasagot. Ang mga kaibigan namin hindi na rin ako pinapansin. Lahat sila galit na galit sa akin at wala man lang sa kanila ang naniwala sa rason ko," pagpapatuloy na depensa niya na nakatikom ang kamao dahil sa matinding pagsisisi.

"Ano man ang rason mo, dapat umuwi ka pa rin agad sa Pilipinas noon. Kaya hindi mo sila masisisi, lalo na si Mia. Siguro panahon na para ma-explain mo sa kanya ang side mo. At para mahingi mo na rin ang forgiveness niya," payo nito.

Tumingin lang muli si Mateo sa kapatid. Panandaliang nag-isip, hinagod ng palad ang buhok saka huminga ng malalim.

"Ilang taon na rin ang nakalipas, Mateo. Siguro naman hindi ka na naduduwag na harapin siya di ba? Dahil kahit ako, hindi ako makapaniwala na ipagpapalit mo si Mia sa ibang babae. At sa mismong araw pa ng kasal n'yo kayo naglantad ng babae mo talaga ha," pagpapatuloy at sermon pa ni Faith na pinamewangan pa ang kapatid.

"Wala akong babae ate. Hindi ko naman alam na hindi ako makakabalik sa mismong araw ng kasal namin. At saka nagpaalam ako ng maayos kay Mia noon na mag-a-out of the country kami ng mga kaibigan ko."

"Kaya tumuloy ka pa rin kahit alam mong ikakasal na kayo!"

"Hindi ko naman alam na planado na pala ni Alicia na hindi ako pauwiin ng Pilipinas," giit niya na halatang may galit pa din sa sarili.

"Not enough reason, brother!" sarkastikong wika naman ni Faith. "Alam mo ba na pati kami napahiya sa lahat ng bisita noong araw na yun. Awang-awa ako kay Mia. Dahil pinahiya mo siya sa mismong araw ng kasal n'yo. At dahil sa ginawa mo nawalan din kami ng mukhang ihaharap sa pamilya niya, lalo na kay Mia!" medyo may gigil na dugtong pa nito.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon