Chapter 15 - (SPG) Last seen

591 13 6
                                    

Pagkatapos maglabas ng sama ng loob ni Mateo sa kapatid ay pumunta na siya sa café nya sa downtown Abingdon. Franchise lang niya ang café na yun sa pamilya ni Alicia na nasa Petersburg downtown.

Mayaman ang pamilya ni Alicia kaya naman di na siya nagtataka na lumaking spoiled brat ito. Sabi ng magulang ni Alicia noon. Siya lang daw ang tanging nakapag-patino kay Alicia.

Pero ng mamatay ang mag-ina niya ay nagpasya siya na humiwalay na ng landas sa magulang ni Alicia. Gusto niyang maranasan muling mabuhay ng malaya at walang sinomang nagdidikta sa kanya. Pinagbigyan naman sya ng magulang ni Alicia dahil saksi ang mga ito kung paano siya ginawang miserable ni Alicia noon.

Pag nga hindi sinusunod ni Mateo ang gusto ni Alicia noon ay palagi itong nag-aattempt mag-suicide. O di kaya naman ay pagbabantaan si Mateo na ipapapatay.

Kaya tiniis niya ang lahat noon, dahil hindi naman makakaya ng konsensya niya kung tuluyan ngang mamatay si Alicia ng dahil lang sa kanya. At lalong ayaw pa niyang mamatay hangga't hindi pa nakakahingi ng kapatawaran kay Mia na hindi nya alam kung kailan niya magagawa.

Wala pa siyang lakas ng loob na harapin si Mia kahit na napakatagal na ng panahon ang nangyari sa kanila.

Nagbago lang si Alicia nang nagkaanak sila. Pinayagan lang siya nitong magtrabaho nang lumalaki na ang anak nila. Pero ang kondisyon nito ay sa business lang ng magulang nito siya magtatrabaho.

Café ang business ng pamilya ni Alicia at kilala ito around the world dahil napakadami ng branches nito.

Nagtrabahong mabuti si Mateo at pinag-aralan niyang mabuti kung paano patakbuhin ang café. Kaya naman hanga din sa kanya ang mga magulang ni Alicia dahil sa taglay niyang talino at abilidad sa negosyo.

Hanggang sa pinadala nga siya ng mga ito sa America kasama si Alicia. Dahil nagtayo ang mga ito ng branches sa iba't-ibang panig ng America at kinailangan nila ang tulong ni Mateo.

Pitong taon nang naninirahan si Mateo sa US at ganap na ring US citizen. Sa US nya nabuntis si Alicia. Pumayag siya sa gusto ni Alicia na bumuo sila ng kahit isang anak lang. Naisip din kasi niya na di man siya maging isang makabuluhang asawa. Kahit bilang ama man lang sana ay makaramdam muli siya na makabuluhan pa rin ang buhay nya.

After 5 years ng pagsasama nila ay nakabuo sila ng isang supling. Subalit ang masaklap ay agad ding binawi sa kanya ang anak niya. Sa US na din namatay ang mag-ina niya sa isang car accident. Dalawang taon pa lang ang anak nya noong namatay ito.

Ang pagkamatay ng mag-ina nya ang pinakamadilim na pangyayari sa buhay niya. Kahit hindi niya mahal si Alicia ay sobra din siyang nasaktan sa pagkawala nito. Dahil naging mabuti naman itong ina sa anak nila at nagbago din ito ng pag-uugali simula nang magdalang tao.

Kung masakit mawalan ng babaeng minamahal na kagaya ni Mia. Mas masakit ang mawalan ng pinakamamahal na anak. Kaya lalo nang naging malungkot at madilim ang buhay ni Mateo mula noon.

Mag-isa na lamang siya sa buhay, hanggang sa naisipan niyang hanapin sa social media ang kaisa-isa niyang kapatid na si Faith. Dahil nga ilang taon silang nawalan ng communication sa isa't-isa. Gusto niyang magkaroon ng sigla ang buhay niya kahit katiting lang.

Laking tuwa niya ng nalaman na nag-migrate na ang buong pamilya ng ate niya sa USA tapos magkalapit lang pala sila ng City ng kapatid niya.

Siya noon ay sa Petersburg nakatira at ang ate niya ay nasa Abingdon lang pala. Agad niyang pinuntahan kung saan nakatira ang mga ito noon. Naging napaka-emotional pa nga ng pagkikita nilang magkapatid noon. Pakiramdam niya ay nagkaroon muli sya ng kakampi at nagmamahal ng makita at makayakap nya muli ang kapatid.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon